‘Wrong spelling wrong’: Wife ‘proofreads’ husband’s love note

-

Kinaaaliwan ngayon sa social media ang Valentine’s Day note ng netizen na si Onin Galenzoga para sa kanyang asawa na si Pam.

Sa Facebook post ni Onin, shinare nito ang kanyang gift na jewelry na may kalakip na note para sa asawa. 

Kasabay nito, makikita na tila “na-proofread” ni Pam ang naturang note at nagbigay pa ito ng grade na “0/10.”

“[‘Yung] nagregalo ako pero ako pa [rin] mali!” hirit ni Onin sa kanyang post. 

Paliwanag naman niya, online niya umano nabili ang naturang jewelry kung kaya’t limited characters lamang ang maaring ilagay sa note.

“[I] ordered the jewelry online so limited lang yung characters na pwede ko ma-input sa message so napilitan akong magpaikli,” kwento ni Onin sa ekslusibong panayam ng Pilipino Star Ngayon Digital (PSND).

Ayon pa sa kanya, ayaw na ayaw din umano ni Pam na hindi siya gumagamit ng tamang capitalizations at punctuations sa kanyang mga posts.

“[Ayaw] na ayaw at inis na inis sya [tuwing] nag [sh-short] text ako and [‘di] nag cacapital and wrong punctuations kahit sa posts ko online. [I] ordered the jewelry online so limited lang yung characters na pwede ko ma-input sa message so napilitan akong magpaikli,” pahayag niya.

“[Tawa] ako [nang] tawa! [In] fact sabay kaming tumatawa nung pinakita nya sakin yung note,” pagpapatuloy pa niya.

“[Ako ‘yung] gift giver (kahit walang occasions) [sa amin] and she always [jokes] around every time instead of showing na kinikilig sya,” dagdag pa nito.

Nag-iwan naman ng iba’t ibang hirit ang mga netizens sa naturang post. 

“Wrong spelling wrong,” komento naman ng isang netizen.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE