Lukas Graham invites Juan Karlos to upcoming concert: ‘Why not perform this song with me?’

-

Feeling lucky fanboy ang OPM singer na si Juan Karlos Labajo makaraang imbitahin siya ng singer na si Lukas Graham na i-duet ang kanyang hit song na Love Someone sa kanyang upcoming concert sa October 22, sa New Frontier Theatre.

Nagsimula ang interaction ng dalawa nang mag-comment si Juan Karlos sa TikTok video ni Lukas habang kumakanta ito ng Love Someone sa isang concert abroad. 

@lukasgraham Howdy! ? #cowboy ♬ Love Someone – Lukas Graham

“Heard you’re coming here! Can’t wait to watch the show!! @Lukas Graham,” komento ni Juan Karlos sa video ni Lukas.

“Hey JK! Why not come and perform this song with me instead?” reply naman ni Lukas.

Tila hindi naman makapaniwala si Juan Karlos sa naging reply ni Lukas. 

“OMG OMG NO WAAAAY. IM DOWN!!!” tugon naman ng OPM singer. 

“Let’s do it!! Sunday night this week at New Frontier Theatre in Quezon City,” pag-imbita naman sa kanya ni Lukas.


“Omg huhuhu nag-reply si Lukas Graham,” sey pa ni Juan Karlos sa kanyang Instagram story. 

Kilala si Lukas Graham sa kanyang mga hit songs na 7 years, Love Someone, Mama Said, at iba pa. 

Samantala, matatandaan din na kamakailan lamang ay nag-set ng bagong record si Juan Karlos nang mag-debut sa Spotify Top Global chart ang kanyang kanta na Ere. Ito rin ang kaunaha-unahang Filipino song na pumasok sa naturang Global chart.

Kaugnay nito, tila ikinatuwa naman ng mga netizens ang interaction ng dalawang singers. 

“Juan Karlos fanboying is what I’m living for,” komento ng isang netizen. 

“Go JK! Make the Filipino[s] proud,” hirit pa ng isa. 

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE