GGV natuloy na ang pag-babu sa ere

-

Nag-last episode na kanina ang Gandang Gabi Vice (GGV). Si Raffy Tulfo ang huling guest ng programa ni Vice Ganda.

Umabot din pala ng nine years ang GGV na nang mag-start ayon kay Vice ay one season lang ang advice sa kanya pero inabot na sila ng halos isang dekada.

Nanghingi rin ng sorry si Vice sa mga na-offend ng programa niya at nagpasalamat naman ang maraming ibang mga naging guest ng GGV tulad nina Kim Chiu, Alex Gonzaga, Moira, Angelica Panganiban at iba pa.

https://www.instagram.com/p/B9eyGxtpHOR/?utm_source=ig_web_copy_link

“I am not perfect, the show is not perfect… sigurado ako may mga pagkakataon na-o-offend namin kayo. Ang mga nakasanayan ninyo sa buhay. O ang trip ninyo sa buhay. O hindi ninyo trip ang mga ginagawa namin. We apologize po. Wala po kaming intention na masama.

https://www.instagram.com/p/B9dYM9EJJly/?utm_source=ig_web_copy_link

“But still thank you very much. This is a very big blessing,” ang pasasalamat niya.

Nagulat nga raw siya na umabot sila ng ganun katagal. “Napakasarap malamang masaya kayong nakapiling ako at ang GGV sa loob ng 9 years. Masaya akong nakapagpasaya ako. Salamat po!!! #GandangGabiVice,” tweet ni Vice na hindi naman mami-miss ng kanyang regular viewers dahil programa pa rin niya ang papalit sa GGV, Everybody Sing.

Late last year pa nang kumalat ang chikang tsutsugiin na nga ang programa na nasabay pa noon sa mga negative reviews ng MMFF movie ni Vice na The Mall, The Merrier.

Salve Asis
Salve Asis
Salve Asis is an entertainment columnist and editor of Pilipino Star Ngayon and Pang Masa. A member of the Cinema Evaluation Board, she’s one of the founders and officers of the Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED).

Must Read