Panalo ang 12 years old na si Vanjoss Bayaban ng team ni coach Sarah Geronimo bilang grand champion ng pinakabagong season ng The Voice Kids noong Linggo ng gabi (Nobyembre 3) sa Resorts World Manila.
Umapaw ang suporta ng publiko para kay Vanjoss, na mula Pangasinan, sa pagtala niya ng pinakamataas na combined percentage ng text at online votes na 62.11%, at nagwagi sa mga pambato nina coach Bamboo at Lea Salonga na sina Carmelle Collado (24.74%) at Cyd Pangca (13.15%).
Sa dalawang araw na finals, kinumbinsi ni Vanjoss na iboto siya ng mga manonood sa pamamagitan ng pag-perform ng Habang May Buhay sa duet niya kasama si coach Sarah, Titanium sa upbeat showstoppers round, at isang makapagil-hiningang bersyon ng You Raise Me Up para sa kanyang power ballad.
Bilang ang pinakabago at ikaapat na The Voice Kids grand champion, nagwagi si Vanjoss ng P2 milyong cash, recording at management contract sa MCA Music, at house and lot mula Camella na may halagang P2 milyon.
Matindi ang pagtutok maging ng netizens sa kumpetisyon dahil parehong nag-trend sa buong mundo ang official hashtags ng finals na #TVK4FinalShowdown at #TVK4GrandChampion habang inaabangan nila ang pag-anunsyo ng nanalong young artist.
Starla hanggang January na lang?!
Most probably, hanggang January na lang daw ang Starla ni Judy Ann Santos. Ito ay kahit mataas ang rating ng comeback series ni Juday sa ABS-CBN.
Canned na raw kasi ang story at alam na nila ang ending ayon sa source. So hindi rin nila alam kung paano hahaba ang story.