Coco Martin says ‘sexy scene’ with Sam Milby highlight of MMFF film

-

Isa ang kissing scene nina Sam Milby at Coco Martin ang dapat abangan sa Metro Manila Film Festival entry na 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.

Sam Milby (left) appears in Coco Martin’s Metro Manila Film Festival (MMFF) entry 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.

Gaganap na konrabida si Sam sa pelikula na mai-inlove sa karakter ni Paloma (Coco) na naka-disguise lang pala.

Pulis ang role ni Coco sa pelikula na napagbintangan sa kasong murder.

“Huling beses ko nang gagawin ang karakter ni Paloma, sasagarin ko na. Ang hirap mag-bihis babae! Talagang in-effort-an ko! Lahat ng looks ko, talagang iniba-iba ko. Hindi ako yung parang… palit-make up lang. Lahat! Contact lens, kuko, palit!

“Ako ang pinakamaagang dumarating sa set. Kasi nga, one and a half hour akong mine-make up-an. Tapos, bibihisan akong kung anu-ano ang inilalagay sa akin para maging sexy. Sinagad ko na!

“Actually, isa sa highlight ng pelikula, iyong eksena namin ni Sam (Milby). Nilalandi ko siya. Sumasayaw ako sa harapan niya. Ganyan…Tapos, magki-kiss kami. Iba! Ibang-iba!” rebelasyon ni Coco.

Aminado si Sam na nag-enjoy siya sa shooting ng pelikula dahil ito rin pala ang unang beses na magkakatrabaho sila nina Jennylyn Mercado at Ai-Ai delas Alas.

Common knowledge na si Coco rin ang director at producer ng 3Pol… under CCM Film Productions na pag-aari niya.

Debbie Castillo
Debbie Castillo
Debbie Castillo is Pilipino Star NGAYON’s assistant editor for entertainment. She is also a painter, make-up artist and works with some charitable organizations.

Must Read