Gardenia, numero-unong tinapay sa puso ng mga Pinoy!

-

Sa loob ng matagal ng panahon, nananatili pa rin ang Gardenia bilang numero-unong tinapay sa puso ng mga Pinoy. 

Hindi lamang dahil sa masarap ito, kundi dahil ito’y masustansiya rin at puno ng nutrisyon na kailangang-kailangan ng mga mamamayan, lalo na ngayong panahon ng pandemya ng COVID-19.  Ito ay good source ng vitamin A, vitamin B1, iodine at folate at may taglay ding calcium, iron at vitamin B3. 

Mahalaga ang nutrisyon sa sosyo-ekonomikong kaunlaran ng bansa at ito ang tinitiyak ng Gardenia na magagampanan nila. 

Simula ng baguhin ng Gardenia Bakeries Philippines Inc. ang baking industry ng Pilipinas noong 1998, sa pamamagitan ng kanilang pinaka-moderno at state-of-the art na bread manufacturing facility, naiukit na sa puso ng mga Pinoy ang Gardenia Classic White Bread. 

Sa pamamagitan ng limang bakery plants ng Gardenia na matatagpuan sa mga istratehikong lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao, at sa tulong ng kanilang unique distribution system at massive fleet ng mga delivery trucks, natutupad ng Gardenia ang pangako sa kanilang mga kostumer na laging fresh at bagong luto ang bawat pack ng kanilang tinapay.  

Kaagad kasing naidedeliber ang lahat ng produkto ng Gardenia sa lahat ng mga shopping outlets, sa mismong araw, pagkaluto pa lamang ng mga ito.  Ang Gardenia ay available sa lahat ng leading supermarkets at sari-sari stores nationwide maging sa mga online sites kabilang ang Lazada, Shopee at Pandamart.

Maliban sa Gardenia Classic White Bread, kasama rin sa mga offering ng Gardenia ang iba pang freshly baked bread tulad ng flavored and whole wheat loaf breads, pandesal, filled buns at mga snack products gaya ng Gardenia Muffins at Toast. 

Napanindigan din naman ng Gardenia ang kanilang branding na ‘masarap kahit walang palaman’ ang kanilang tinapay, kaya naman patuloy itong tinatangkilik ng mga Pinoy. Napakalambot at malinamnam din ang Gardenia at sa aroma pa lang ay talagang matatakam ka na. 

Ang Gardenia ay HACCP at Halal Certified rin at ang lahat ng kanilang produkto ay gawa sa premium ingredients gamit ang gold-standard facilities. 

Isandaang porsiyentong malinis din ang mga produkto ng Gardenia dahil ito’y hindi nahahawakan ng kamay ng tao sa buong proseso ng produksiyon dito. 

Garantisado ring ang lahat ng produktong Gardenia ay ligtas, laging fresh at masustansiya hanggang sa huling slice nito kaya naman all-time favorite ito at pantry essential din ng bawat pamilyang Pinoy. 

Halos lahat ng tindahan sa buong bansa ay mayroon ring Gardenia upang matiyak na ang bawat mamamayan ay may access sa world-class quality bread saang lugar man o anumang oras nila naisin. Hindi maaaring mawala ang Gardenia sa hapag-kainan ng mga Pinoy, ordinaryong almusal man ito, meryenda o maging sa anumang mahahalagang okasyon kaya’t hindi ito nakakalimutang isama sa grocery bags ng mga mommies sa tuwing sila ay namimili.

Latest

YOU MAY LIKE