Maine Mendoza at Arjo Atayde naka-isang taon na!

Kasagsagan noon ng pagsu-shoot ng Metro Manila Film Festival 2018 entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles, nang pumutok ang balitang may namumuo nang damdamin diumano sa pagitan nina Maine Mendoza at Arjo Atayde na pawang magkatrabaho sa nasabing pelikula.

Kontrabida roon si Arjo habang bida naman si Maine kasama sina Vic Sotto at Coco Martin na nagsama sa unang pagkakataon.

Spotted daw noon sina Maine at Arjo sa isang restaurant sa Makati nang dalawa lang, at doon na nagsimula ang pagkakaroon nila ng isyu pero agad ding kinontra ng fans nina Maine at Alden Richards na AlDub, na noon nga’y umaasang magkakatuluyan ang dalawa.

Sa paglipas ng mga buwan, patuloy pa ring nakikita sina Maine at Arjo na madalas na magkasama, kaya naman lalong nagwala ang AlDub. Dumating pa sa puntong bino-boycott na ang aktres pati na rin si Arjo at ang pamilya nito.

Nagmukhang kawawa si Alden, pero nilinaw nilang dalawa ni Maine na mananatili silang magkaibigan at masaya sila sa success ng isa’t isa.

Maine Mendoza and Alden Richards: AlDub no more, but the friendship remains.

Nagtagumpay naman si Maine na kumawala sa anino ng tambalan nila ni Alden dahil kahit wala ang kapareha ay nagkaroon siya ng sariling sitcom kasama si Bossing, dumami ang kanyang endorsements at mainstay pa rin siya sa Eat Bulaga.

Si Alden naman ay mas naging matagumpay din sa kanyang solo career, lalo na nang maging box-office hit ang unang pagsasama nila ni Kathryn Bernardo sa pelikulang Hello, Love, Goodbye na idinirek ni Direk Cathy Garcia-Molina, kung saan nasundan pa ito ng seryeng The Gift na tinututukan ngayon ng lahat.

Samantala, namayagpag din si Arjo sa paggawa ng pelikula kung saan nagkaroon din siya ng serye sa IWant ng ABS-CBN, ang Bagman.

Pare-parehong matagumpay ang tatlo sa kanilang karera, pero ang focus ngayon ng fans ay kina Maine at Arjo na.

Ano na nga ba ang tunay nilang estado?

The lovebirds in an Instagram photo posted by Arjo

Sa tuwing tinatanong noon ang dalawa, iisa lang ang isinasagot nila, “espesyal silang magkaibigan.”

Ngayong isang taon na ang nakalipas, walang paglagyan ng tuwa ang rumored couple dahil hindi na nila kailangan pang magtago at mag-deny.

Sa kanya-kanyang Instagram account, nag-post ang dalawa ng pagbati sa kanilang unang anniversary bilang magkasintahan.

“Happy first,” bati ni Maine, na sinundan naman ng reply ni Arjo. “I’m crying.. I love you.”

Maine and Arjo celebrate one year as a couple. — Photo from Maine’s IG

“Thank you for everything, babs. Happy first anniversary!!! I love you,” bati naman ng huli sa kanyang girlfriend.

Arjo also posts a photo on Instagram to mark their first anniversary.

Base sa kanilang mga picture, nakabakasyon ang dalawa, pero hindi pa alam kung saan.

Masayang-masaya ang mga kaibigan nila sa showbiz pati na rin ang kanilang shippers.

Scroll to Top