‘Please be kind’: Regine Velasquez explains ‘bad spelling’ in post about Kobe Bryant

-

Punung-puno ng pakikiramay at tribute sa basketball legend na si Kobe Bryant ang social media accounts ngayon ng mga artista.

Ilan sa nakiramay sa local celebrities ay sina Sharon Cuneta, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Michael V, Derek Ramsay, Martin Nievera at Ruffa Gutierrez.

Pero pinaka-napansin ng bashers ay ang Instagarm post ng Asia’s Songbird dahil sa mali nitong spelling ng Kobe na Coby.

“Sad day [crying face emoji]. #RIPKobe,” ang post ni Regine na corrected na ang spelling.

Na-bash nang husto dito si Regine at napa-post sa kanyang Twitter account ng “I always make a mistake with spelling someone’s name, you can correct me without embarrassing me and it’s ok. I have dyslexia I have a hard time with spelling. Please be kind, again you can correct me without making me feel bad.”

Aminado si Regine sa kanyang pagkakamali at marami rin naman ang fans na nagtanggol sa kanya.

Edited na ang post na ito ngayon ni Regine at naka-disable na rin ang comment section.

Debbie Castillo
Debbie Castillo
Debbie Castillo is Pilipino Star NGAYON’s assistant editor for entertainment. She is also a painter, make-up artist and works with some charitable organizations.

Latest

YOU MAY LIKE