Ellen Adarna breaks her social media blackout

-

Tinapos na ni Ellen Adarna ang kanyang social media blackout matapos mag-post ng short video habang nag-i-snow skiing.

Tatlong taong inactive ang sexy actress na ang huling post pa bago ang skiing video ay noong March 2017. Nagsimulang maging inactive ang actress simula nang mapabalitang siya ay nagdadalangtao sa anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Sa geotag ng post ni Ellen, sa Grindelwald, Switzerland ito kinunan at may caption na “as per my instructor @smartinrs ‘keep going’ should be my mantra this year! #hello2020.”

Binigyan ng ibang meaning ng fans ang caption na iyon ni Ellen.

Ibig sabihin daw ba nito ay babalik na rin siya sa showbiz?

Nauna nang napabalita ang pagbabalik sa limelight ni John Lloyd Cruz last year na hanggang ngayon ay hindi pa naman nangyayari.

Nabalita rin last year na hiwalay na ang dalawa.

Nag-Pasko si Ellen kasama si Elias Modesto sa Gemany. Sa mga nagkalat na pictures sa social media ay wala ang aktor kaya tumibay ang ispekulasyon na hiwalay na nga sila.

Debbie Castillo
Debbie Castillo
Debbie Castillo is Pilipino Star NGAYON’s assistant editor for entertainment. She is also a painter, make-up artist and works with some charitable organizations.

Must Read