Former sexy star Jenny Roa nabbed in Pasay buy-bust

-

Arestado ang dating sexy star na si Jennifer Kiilsgaard, na mas kilala sa screen name na Jenny Roa, sa buy-bust operation sa Pasay City noong Wednesday, mismong araw ng Pasko.

Kasama sa inaresto ang isang lalaking si Norman Viña, 49.

Ayon kay Police Cpl. Jett Morillo ng Pasay City Police station drug enforcement unit, nasa drug watch list na ang 45-year-old former actress at matagal na rin daw siyang under surveillance matapos nilang makatanggap ng tip na isa raw itong drug pusher.

Nasa P300 ang halaga ng hinihinilaang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad mula kina Jenny at Norman.

Kumpiskado rin sa dalawa ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na nakasilid sa ang pao na tinatayang nagkakahalaga ng P31,280.

Sa interview ng ABS-CBN News sa dating sexy star, inamin niyang gumagamit siya ng droga dahil daw sa kanyang depression pero itinatanggi niyang nagtutulak siya.

“I’m always in the house. I stay in the room. It so happened, hindi ko alam nataon pa ng Pasko ko…Paayos na buhay ko, bagong buhay na ako, ewan ko ba,” sabi ni Jenny Roa sa panayam ng ABS-CBN News.

Debbie Castillo
Debbie Castillo
Debbie Castillo is Pilipino Star NGAYON’s assistant editor for entertainment. She is also a painter, make-up artist and works with some charitable organizations.

Must Read