Kathryn Bernardo ‘forever grateful’ to Alden Richards and other HLG co-stars

-

Magkakapatid na talaga ang turingan ng cast ng Hello, Love, Goodbye na pinangungunahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Alden Richards and Kathryn Bernardo for Philippine Star’s Supreme.

Noong isang araw pala ay nag-bonding sila.

Para makaiwas sa bashing (dahil nga may ilang fans na ayaw pa rin sa friendship nina Alden at Kathryn), sa Instagram stories na lamang ito pinost ng actor.

May caption pa itong “Swerte ako sa mga taong to.”

Pinost naman ni Kathryn ang get-together nila pero limited lang ang mga puwedeng mag-comment.

Nakaka-touch ang caption ng aktres na: “This is best gift I’ve received from filming #HelloLoveGoodbye: the gift of true friendship! Salamat naman at hindi tayo ‘shooting friend’ lang! Will be forever grateful to each and every one of you. Merry Christmas from Team HLG (aka team pabigat)!”

https://www.instagram.com/p/B6NmdP0BOo4/

Tumagal din ng isang buwan ang shooting ng cast ng HLG sa Hong Kong kaya naman ‘di kataka-takang maging close sila sa isa’t isa.

Maaalalang nag-iyakan pa sila sa thanksgiving party nila noon at nag-promise na hindi lamang sila basta magiging “movie friends.”

Kasama rin sa bonding sina Kakai Bautista, Lovely Abella, Maymay Entrata, Jeffrey Tam at Joross Gamboa.

Debbie Castillo
Debbie Castillo
Debbie Castillo is Pilipino Star NGAYON’s assistant editor for entertainment. She is also a painter, make-up artist and works with some charitable organizations.

Must Read