Angel Locsin, Judy Ann Santos fangirl over U2 in Japan

-

Magkakaibang emosyon ang naramdaman ni Angel Locsin nang manood siya ng U2: The Joshua Tree Tour 2019 concert na dinayo pa niya sa Saitama, Japan.

“Buong buhay kong pinangarap to! Maraming salamat @u2! Mahal kita Bono!❤ Naiiyak ako na nagtatalon ako at wala akong matinong video pero nag enjoy naman ako sa event (Gusto ko lang i-add, yan na yung mga matitino? nung lumabas sila, bumaha ang luha ko na iyak bata talaga, LOL.”

Kasamang nanood ni Angel ng concert ang fiancé na si Neil Arce, si Direk Manny Palo at Eula Valdez na hindi ring napigilan ang pag-iyak sa concert.

“We both are so excited ‘cause we’re reunited, hey, hey. Pre-@U2 concert photo. Thank you #AnakTV for awarding The General’s Daughter ‘Household Favorite Television Program 2019’ yesterday. Good luck later team #TGD sa Asian Academy Creative Awards in Singapore!”

Kanina ay nag-post din ang aktres ng picture na may caption na “Hinahanap-hanap kita Manila… Manila I’m coming home!”

Samantala, isa pang lumipad sa Japan ay si Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo para manood ng concert ng naturang banda. Nag-post ang Starla actress ng magkakasunod na Instagram stories. Malayo nga lang ang seats nila compared kila Angel na kita-kitang maging pores ng U2 band members.

Magkakaroon ng first-ever concert dito sa Manila ang U2 na tiyak inaabangan na rin ng maraming celebrities at ng kanilang fans. Magaganap ito sa Philippine Arena sa December 11, 2019. Mabibili ang ticket sa magkakaibang halaga: 17,950; 20,499; 19, 499; 17,999; 16,999; 15,999; 14,499; 8,499; 7,499; 4,499; and 2,499.

Kasama sa mga sikat na kanta ng U2 ang With Or Without You, One, Ordinary Love, Sunday, Bloody Sunday, Where the Streets Have No Name, Pride (In the Name of Love), New Year’s Day at Sweetest Thing.

Debbie Castillo
Debbie Castillo
Debbie Castillo is Pilipino Star NGAYON’s assistant editor for entertainment. She is also a painter, make-up artist and works with some charitable organizations.

Must Read