Jomari Yllana inakusahan ng pagiging cheater ng ka-live in!

-

Nagsimula sa blind item na kalaunan ay inamin din ng dating live-in partner ni Jomari Yllana na si Joy Reyes ang umano’y pang-aabandona ng dating aktor na kasalukuyang councilor ng Parañaque. Iniwan daw ni Jomari kay Joy ang dalawa nilang anak dahil sa ibang babae.

Wala pang isang taon ang bunso nilang anak.

Mabigat ang akusasyon ni Joy kay Jomari dahil sinabi niyang mas matanda at madatung daw ang ipinagpalit sa kanya ng dating karelasyon.

“It’s bad enough to cheat on a partner, worse to leave the family knowing the babies are still so young being just over a year old and a newborn one. But sana mag stop na sa pag iisip at paggawa ng nonstop ways pa to make things difficult and miserable for me like pang iipit financially.

“I gave up my career because you asked me to with the promise that you will take care of me, of us. Hindi ako ang may atraso sa inyo para kayo pa ang galit na galit sa kin. You could have at least considered giving even a tiny speck of respect to the woman who believed all your promises, gave you two adorable babies and looked up to you thinking you are capable of being a good husband and a father who our kids will be proud of. Nagawan mo na ng masama, wag na salbahihin pa lalo,” post pa ni Joy sa kanyang Instagram account.

Wala pang pahayag si Jomari tungkol sa akusayon ni Joy.

Ayon sa mga showbiz observers, sana raw hindi patagalin ni Jomari ang issue dahil medyo sensitibo ito lalo pa nga’t involve rito ang dalawa nilang maliliit na anak.

Debbie Castillo
Debbie Castillo
Debbie Castillo is Pilipino Star NGAYON’s assistant editor for entertainment. She is also a painter, make-up artist and works with some charitable organizations.

Must Read