Miss Universe Japan to wear Pinoy-made gowns

-

Pinatunayan ng Filipino designer na si Joel Escober na pang-world class talaga ang talent ng mga Pinoy.

Si Joel ang gumawa ng mga gown na isinuot ng Miss Universe Japan 2019 na si Ako Kamo.

“It was really inspiring to see Filipino Creations appreciated in International Arena….We are so inspired to be part of your dreams Beautiful Ladies Ms Universe Japan 2019 Final Night … All glory to God,” posts pa ni Joel sa Instagaram.

Si Joel din ang gagawa ng mga gown ni Miss Japan sa coronation night ng Miss Universe sa December 8, na gaganapin sa Tyler Perry Studios in Atlanta, Georgia.

Bukod kay Joel, nagpagawa rin ng gown si Ako Kami na dumating ng bansa recently, para ma-meet ng personal ang student designers ng Slim’s Fashion School.

Umabot sa 13 hanggang 15 gowns ang ginawa ni Joel para sa nasabing competition.

Naging exchange student sa Pilipinas si Ako Kamo noong 2017. Nag-aral siya sa Assumption College in San Lorenzo, Makati sa loob ng anim na buwan.

Dito rin niya natutunan magsalita ng Tagalog at ma-discover ang galing ng mga Filipino fashion designers.

https://www.instagram.com/p/BXfftqRhdIw/?utm_source=ig_web_copy_link
Debbie Castillo
Debbie Castillo
Debbie Castillo is Pilipino Star NGAYON’s assistant editor for entertainment. She is also a painter, make-up artist and works with some charitable organizations.

Must Read