Gretchen nagpaliwanag sa relasyon nila ni Atong!

-

Team Greta babad sa pagbabantay!

“Here is Mr. Atong & Mrs. Iris Ang & family. This family happens to be our family too. We will protect our happy life, Nicole. We love each other dearly,” ang nakasulat sa family photo ng negosyanteng si Atong Ang, Sunday night, sa IG story ni Gretchen Barretto.

Tuloy nga ang giyera ng magkakapatid na Barretto at pamangkin nilang si Nicole na anak ng kapatid nilang si JJ.

Pinagbintangan ni Nicole na inagaw ni Gretchen ang may-ari ng mga sabungan/casino operator sa kanya.

Businessman Atong Ang with Nicole and Claudine Barretto. Credit: Claudine Barretto IG
Credit: Gretchen Barretto’s IG story

Dawit sa kuwento ng agawan si Claudine na sinabi rin ni Gretchen na naging girlfriend din ng negosyante.

Pero iba ang version ni Mr. Ang sa statement niyang pinadala kay Mr. Henry Omaga-Diaz ng ABS-CBN kaugnay nga sa pagkakasangkot niya sa kontrobersiya ng magkakapatid.
Lumalabas sa nasabing statement na hindi totoo ang sinabi nina Gretchen at Nicole na binenta sa kanya ang pamangkin.

“Tungkol kay Nicole, mga four to 11 years ago ay nagkakasama kami nang mommy niya. Kung ano man ang relationship namin, walang kinalaman si Gretchen.

“Si Gretchen kasosyo ko sa casino at saka sabong. Si Tonyboy Cojuangco, kasama ko rin sa casino. May junket ako sa mga casino, si Tony kasosyo ko sa Okada.

“Kung nagkahiwalay kami nila Nicole walang kinalaman si Gretchen. Ang relasyon namin ni Nicole, parang taga asikaso ng mga flights ko and schedule ko noon.

“Iyong relasyon kay Claudine, ako ang nag-ayos nang nagkaproblema sila ng anak ni Mayor Martin Castro — ‘yun lang ang naging relasyon namin.

“Si Nicole, pinagaral ko ‘yan, ang nagtrabaho sa akin ‘yung nanay niya. Si Gretchen malapit siya sa asawa ko.

“Iyong relasyon kay Claudine, ako ang nag-ayos nang nagkaproblema sila ng anak ni Mayor Martin Castro — ‘yun lang ang naging relasyon namin.

“Si Nicole, pinagaral ko ‘yan, ang nagtrabaho sa akin ‘yung nanay niya. Si Gretchen malapit siya sa asawa ko.”

Samantala, nag-post din si Gretchen ng video nila last Wednesday night kung saan nga naganap ang sinasabing “encounter” nila ni Nicole. Makikita raw si ex Caloocan Mayor Recom Echiverri na parang tunay na miyembro ng Barretto family na nagluluksa ng sa pagpanaw ng kanilang ama last Tuesday.

“Watch carefully Marjorie and Nicole is the one beside her. The day of the wake. Watch EX MAYOR ECHIVERRI, feeling part of the Barretto family. Watch Marj itch — very fuming mad.”

“The relatives were trying to calm her from her insanity.

“Now you KNOW WHY I DID NOT GO TO VISIT MY DAD IN HIS LAST DAYS. Marjorie will have an outburst in the ICU,” sabi nito sa video.

At kung si Gretchen ay tuloy ang resbak sa kapatid at pamangkin, ang birthday naman ng anak ni Marjorie na si Dani ang pinagkaabalahan niya kahapon.

Marami na ngang nilamong kuwento ang eskandalo ng magkakapatid na Barretto at so far, mas maraming kamping netizens kay La Greta.

May pa survey pa na “which team are you on” at waging-wagi si Gretchen.

Masipag din kasi ang Team Greta na mag-comment na diretso sa IG story ng dating aktres.

So kayo Team Greta or Team Marj? Or team Clau?

Salve Asis
Salve Asis
Salve Asis is an entertainment columnist and editor of Pilipino Star Ngayon and Pang Masa. A member of the Cinema Evaluation Board, she’s one of the founders and officers of the Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED).

Must Read