Nagbigay ng kanyang sentiments si Alvin Aragon kaugnay sa naging pahayag ni Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay patungkol sa TV personality na si Anne Curtis.
“Minsan nasa Shangri-La ako, nakita ko si Anne Curtis. Ang ganda-ganda pala niya. You know, may desire sa loob ko na nag-init talaga. Na-imagine ko na lang kung ano’ng pwedeng mangyari, pero siyempre hanggang imagination lang ‘yon,” pahayag ni Suntay sa pagdinig ng House Committee on Justice noong March 3.
Sa isang Instagram post, nagbigay ng payo si Alvin sa Filipino men at women.
“Kahit hindi si Anne ang tinitignan mo ng may pagnanasa may mag iinit sa loob mo, lalo na kapag nakalabas pa ang cleavage mo at legs,” pahayag ni Alvin.
Aniya, dapat umanong protektahan ng mga lalaki ang kanilang mga asawa.
“Kaya Filipino men protect your wife may ‘sin of lust’ kasi,” wika niya.
Kasabay nito, dapat magsuot din umano ng maayos na kasuotan ang mga babae upang maiwasan ang “sexual desire.”
“Filipino women dress modestly to avoid sexual desire. Kasi nga may ‘sin of lust,’” saad niya.
Maliban pa rito, sinabi ni Alvin na mahirap iwasan ang sexual desire.
“Alam niyo mahirap talaga yan iwasan, si Jesus lang ang makakatulong sayo ma-overcome yan,” wika pa niya.
Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag si Anne patungkol sa naturang isyu.