Izzy Trazona says she asked husband Alvin Aragon for permission before Sexbomb reunion concert

-

Idinetalye ng Sexbomb member na si Izzy Trazona-Aragon kung paano naging possible ang kanyang surprise appearance sa ‘rAWnd 4’ ng Sexbomb reunion concert na ginanap kamakailan.

Ayon kay Izzy, nagpaalam muna siya sa kanyang asawa na si Alvin Aragon bago pumunta ng concert.

“Before that day po, kinontak ko na si Mia… Nag-decide na ko na [pupunta akong concert]. Actually, nagpaalam muna ko [kay Alvin]. ‘Hon, pupunta ako sa concert,’” kwento ni Izzy sa programa na “Fast Talk with Boy Abunda.”

“Una, parang hindi siya okay. Tapos he prayed and… Pinag-pray niya muna and finally he said, ‘Sige, go,’” wika ni Izzy.

Paliwanag ni Alvin, nagkaroon siya ng hesitation dahil hindi madaling magsalita sa harapan ng halos 15,000 na katao.

“Nung sinabi niya sakin na magshe-share siya ng love ni Jesus sa concert, hindi madali ’yon na desisyon. Ang dami kasing tao eh. MOA Arena is 15,000 ang capacity, tapos magasasalita ka? Hindi madali. ‘Teka lang, hon.’ So pinag-pray ko muna. Tapos nag-devotion ako. So na-convince ako na ito guidance ng Panginoon sa kanya,” pahayag ni Alvin.

“[Tapos sabi ko], ‘Sige, hon. I support you. Kung gusto mong um-attend, um-attend ka,’” pagpapatuloy pa niya.

On her surprise appearance

Matapos payagan na pumunta ng concert, sinabi ni Izzy na ni-request ng kanyang co-member na si Mia Pangyarihan na umakyat siya ng stage.

“May lumapit saking staff, sabi niya, ‘Pwede ka bang umakyat ng stage? […] Ni-request ni Mia na umakyat ka. Bibigyan kita ng mic.’ And then pumunta ko ng backstage, tinatago pa nila ko du’n sa mga girls, ta’s lumapit si Mia… Nag-iyakan na kaming dalawa do’n,” kwento ni Izzy.

Aminado si Izzy na nag-uumapaw ang kanyang emosyon nang lumabas siya sa stage.

“Pagkalabas ng stage, ‘yung heart ko talagang nag-uumapaw na na-miss ko ’tong mga ’to. Miss ko po sila,” wika niya.

“From 2009, nung nag-resign po ako, ngayon ko lang sila ulit nakasama on stage. Sobrang emotional. Na-miss ko ’yung mga hug namin. Talagang hindi namin inalintana kung ano ’yung next namin na gagawin, but we take that time to really hug each other and talagang feel na we missed each other,” pagbabahagi niya.

Kasabay nito, sinabi ni Izzy na labis ang kanyang pagmamahal sa kanyang co-members at grateful siya sa opportunity na makasama silang muli.

“I love them so much, sobrang mahal na mahal, namimiss. Every time they invite me na, ’Punta ka naman sa concert.’ Lagi kami nag-iiyakan ni Rochelle na, ‘I’m sorry, hindi ako makakapunta.’ Lagi kami nag-iiyakan dalawa sa phone, and then finally ito na nga,” wika niya.

“Ang galing nga ng Lord kasi hindi lang pag-share ng gospel ‘yung nangyari but the reunion of us, na magkasama-sama in stage, tapos kumanta kami,” pagpapatuloy pa niya.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE