BooSeok unit is here, CARATs!
Opisyal nang ini-release ng mga SEVENTEEN members na sina Dokyeom (DK) at Seungkwan ang kanilang unit album na “Serenade” ngayong Lunes, January 12.
Binubuo ng anim na tracks ang nasabing album, kasama ang title track na “Blue.”
Kasabay nito, mayroon ding solo song si Seungkwan na pinamagatang “Dream Serenade,” habang “Rockstar” naman ang kay DK.
Samantala, upang i-celebrate ang release ng kanilang unit album, magkakaroon ng special fan party sina DK at Seungkwan kasama ang ilang mga piling fans.
Gaganapin ang nasabing fan party sa CG Art Hall sa Gangnam District, sa Seoul, South Korea, sa January 18.
Sina DK at Seungkwan ay ang ikalimang unit na nag-debut sa ilalim ng 13-member K-pop group na SEVENTEEN.
Maliban dito, matatandaan na sina DK at Seungkwan ay parehong member ng vocal unit ng SEVENTEEN. Kilala rin sila bilang members ng “BooSeokSoon” (BSS) subunit, kung saan kasama naman nila ang co-member na si Hoshi.
Samantala, nakatakdang bumalik ang SEVENTEEN sa Pilipinas sa March 21, 2026, para sa kanilang New_ world tour na gaganapin sa Philippine Sports Stadium sa Bulacan.