Good vibes ang hatid ng kwentong ibinahagi ni Mikoy Morales kung saan um-attend ng wrong wedding ang “Pepito Manaloto” star na si John Fier.
Sa isang Facebook post ni Mikoy, makikitang um-attend ng kasal si John sa isang parish sa Makati City nitong January 3.
Ito ay matapos ma-misread umano ni John ang wedding invitation ni Mikoy.
“Sa March pa ang kasal at ang nakalagay sa invitation ay ‘Please RSVP on or before Jan 3.’ Eh ‘Jan 3’ lang yung nabasa. Ayun, dumating kanina,” pagbabahagi ni Mikoy.
“Pagdating niya lahat naka-suit, siya lang ang naka-Barong. Pina-gitna pa siya at ginandahan daw ng anggulo yung pagkuha sa kanya ng photo/video. Wala siyang nakilala at iba daw hitsura ng groom. Tsaka lang tumawag kay [Chariz Solomon] para magtanong at magkwento at ayun nga, confirmed: Na-Patrick siya in real life,” dagdag pa niya.
“Kaya advance thank you sa pag punta, kuya John! I-kain mo na lang yan ng hatdog!” pahayag pa niya.
“Sa sobrang pagmamahal ko sayo kala ko ngayon kasal mo,” mensahe naman ni John kay Mikoy.
Matapos pumunta sa maling kasal, nagpaabot naman si John ng pagbati sa bride at groom kahit hindi niya ito kilala.
“Congrats na rin po sa kinasal,” wika ni John.
Kaugnay nito, nag-post naman ang local photographer na Ikigai Studio ng litrato ni John habang nasa maling kasal ito.
Kumalap naman ng iba’t ibang hirit mula sa mga netizens ang naturang post.
“May instant artistang ninong dun sa kinasal. Congrats po,” wika ng isa.
“Grabe hahaha.. Parang isang episode lang sa [Pepito Manaloto],” biro ng isa.
“Hindi lang pala sa [Pepito Manaloto] comedy to si sir Patrick, pati rin sa tunay na buhay,” hirit pa ng isa.