‘Hindi ko iniisip as utang na loob na binabalik ko’: Niece treats OFW tito with a plane ticket to PH and vacation in Japan

-

Uploader Kristine Joan “Teacher Shas” Hinanay said she did not buy a plane ticket for her OFW Tito, with a goal to pay back his kindness but rather a form of showing love and gratitude.

“Si Tito Baloy po ‘yung tumayo talaga sa akin na tatay ko po. Pinapagaan niya po talaga ‘yung buhay namin. Sobrang, sobra-sobrang laking part po ni Tito sa success na meron ako ngayon. Lalo na po noong bata ako, na mamulat sa mundong hindi po maganda, na mahirap. Noong mga pagkakataon na hindi mo alam kung paano ka magpapatuloy, sila talaga ‘yung dapat na pinipili mong kasama ngayong medyo may naaabot ka na,” Shas emotionally shared with The Philippine STAR.

It has been eight years since her Tito Baloy came home to the Philippines after migrating in Canada.

After seeing several shared sad posts on social media, Shas decided to talk to him and offer something to ease his homesickness.

“Sabi ko po sa kanya, ‘Tito, gusto mo, uwi ka ng Pinas, pahinga ka muna dito, tapos, sasagutin ko ‘yung pamasahe mo.’ Noong una po, ayaw niyang pumayag. Kasi never po ‘yun humingi ng tulong. Baka, ayaw niya lang, pilitin ko na lang,” she recalled.

At first, her Tito rejected the idea but later agreed after Shas revealed that she will be treating her whole family with a trip to Japan.

“Sabi ko po gano’n, pupunta po kami ng Japan, sasagutin ko po lahat kasi medyo nakaipon po ako sa kinikita ko sa social media. ‘Tito, baka gusto mo pong sumama?’ Kasi kauna-unahan po namin ‘yung family vacation sa ibang bansa. Doon po siya [pumayag]. Pinadalhan ko na po siya ng plane ticket niya,” Shas said.

Shas sent a total of P88,000 for her Tito Baloy’s travel expenses. She noted that it was priceless to see her tito’s preparation to go home and spend some time with them.

“Lalo po akong naiyak kasi halos two months pa po bago po siya mag-flight. [Tumawag] po siya sa akin. Pinakita po niya sa akin ‘yung maleta niya na nakagayak na. Ramdam na ramdam ko po na gustong-gustong na niya umuwi,” she said while crying.

He arrived in the Philippines on May 10, 2025. After two days, their family flew for their vacation in Japan.

“Sobrang sarap po sa pakiramdam. Hindi po siya nababayaran ng kahit ano. Wala po siyang kapantay. Hindi ko po siya iniisip as utang na loob na binabalik ko po eh. Naiisip ko po siya as ‘yung tito ko mapapauwi ko,” she said.

Adding, “Sobrang happy niya. Tapos ‘yung mga videos po namin na nakikita ko na tumatawa siya na para siyang sumasayaw. Sobrang sarap po sa pakiramdam. Kasi parang ka pong naghi-heal ng inner child ng matanda na walang choice na maging matanda kahit na bata pa po sila noon.”

Shas grew up with her Tito Baloy. He was also a huge help to her father to raise and sustain their needs.

“Siya po ang panganay sa mga lalaki. Siya po ‘yung tumayong tatay sa kanilang magkakapatid.Naging provider ng buong family po, hindi lang po ng tatay ko kundi ng buong family po. Pinilit niya po na pag-aralin ‘yung tatay ko hanggang maka-graduate ng college. Naging teacher po ang tatay ko,” she narrated.

“Hindi ko po nararanasan noon kumain ng chicken. ‘Pag umuuwi lang po si Tito Baloy, may chicken kami. Nakikita ko po na kubakob na rin sa paglalaba ang nanay ko at that time, pero dumating po si Tito Baloy, may dala po siyang washing machine. Madami po, hindi ko na po mabilang ‘yung maraming beses na sinalba niya po ‘yung family namin. At hindi lang po ‘yung family namin, kundi ‘yung iba pa po naming kapamilya,” she added.

As Shas looked back, she couldn’t help but become emotional on how her Tito Baloy supported her while growing up.

“Naniniwala po siya sa akin. Lagi niya akong pinapakanta, lagi niya sinasabi na mag-aartista raw ako. So, sa kanya ko po talaga na-build ‘yung confidence ko. Meron po kasi tayong negative connotation sa term na ‘utang na loob.’ May mga tao na mini-misinterpret potalaga ‘yung pinaka-essence ng pagtulong,” she said.

“Kasi po ang totoong pagtulong po ay hindi paglilista ng kahit na anong bagay na binigay ninyo. At ang pagtulong po ay hindi kagaya ng paghangad na meron po kayong in return na mari-receive. So, dapat po palaging nangingibabaw ‘yung pagmamahal sa isa’t isa. Kasi kung talagang pure and genuine po ang ibinibigay ng isang tao, never po siyang hihingi ng kahit na anong kapalit,” she added.

Shas is currently an educator and a social media influencer. She is more eager to work hard to make her family and Tito Baloy happy in this lifetime.

“Tito, sobrang thank you kasi lahat po ng milestone ng family namin ay milestone n’yo po ‘yun. Kahit isang pagalit po na isusumbat po niya lahat, wala po siyang sinabi. Kaya po mas lalong nakakatuwa po siya kasi alam n’yo po na, mararamdaman n’yo po na unlike other people na ginagawa nila ‘yung isang bagay para magamit nila against you. Pero si tito hindi po siya gano’n,” she stressed.

Janelle Lorzano
Janelle Lorzano
Janelle Lorzano likes long walks on the seaside and listening to people about their lives. When she isn't writing, she travels and discover new places.

Latest

YOU MAY LIKE