‘Isa ‘yon sa mga winiwish ko’: Vice Ganda hopes to do a movie with Michael V.

-

Ibinahagi ng TV personality na si Vice Ganda na nais niyang gumawa ng movie kasama ang komedyante na si Michael V.

Ito ay matapos mag-guest si Vice sa recent anniversary special episode ng comedy show na “Bubble Gang.”

Sa naturang episode, nagkaroon ng banter si Vice kasama ang karakter ni Mr. Assimo, na siyang ginampanan ni Michael V.

Ayon kay Vice, matagal niya umanong minanifest na makapag-guest sa Bubble Gang.

“Super happy ako. Talagang minamanifest ko ’to noon pa eh. Dream kong makapag-Bubble Gang. So at last, nandidito na ko,” wika niya.

Kwento naman ni Michael V., matagal na rin nilang nais maging guest sa Bubble Gang si Vice.

“Naririnig ko ’yon kahit sa live niyo noon sa It’s Showtime. Eh ako parang nakakataba rin ng puso na nandito ka,” pahayag ni Michael V.

“Kasi ’di ba parang ’yun ang magkukumpleto ng pagiging komedyante mo, ’pag nagpunta ka ng Bubble Gang. So eto na, thank you very much,” saad naman ni Vice.

Ayon pa kay Michael V., looking forward sila ni Vice na gumawa ng isang pelikula.

“Pwede pa tayo gumawa ng movie,” hirit ni Michael V.

“Yes! Oo. Isa ’yon sa mga winiwish ko at winiwish ng marami, [magkaroon ng] movie talaga,” tugon naman ni Vice.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE