SB19 returns to Japan’s ‘The First Take’ with live performance of their single ‘DAM’

-

Muling pinatunayan ng P-pop group na SB19 ang kanilang husay at galing matapos nilang mag-perform sa Japanese online web show na “The First Take.”

Sa episode 602 ng naturang web show, itinanghal ng SB19 ang kanilang hit single na “DAM” mula sa kanilang “Simula at Wakas” EP.

“This time, they will be performing the song that drew worldwide attention, achieving 4 million views within 24 hours of its MV release—the second-highest record ever for a Filipino artist—and becoming the first Filipino act to reach No. 1 on Billboard’s World Digital Song Sales chart,” saad ng The First Take sa description ng kanilang video.

“While rooted in hip-hop, the track weaves in diverse musical elements as well as touches of traditional Filipino music, creating a truly one-of-a-kind sound. This unique piece is performed in a one-take session,” dagdag pa nito.

Kaugnay nito, nagpahayag naman ng excitement ang SB19 leader na si Pablo sa kanilang pagbabalik sa naturang web show.

“It’s been a year since we were last here, and now we’re back with a very energetic and a passionate song,” saad ng SB19 leader na si Pablo.

Ito ang ikatlong performance ng naturang P-pop group sa “The First Take.”

Matatandaan na una silang nag-perform dito noong taong 2024 kung saan itinanghal nila ang kanilang mga hit single na “MAPA” at “Gento.”

Ang “The First Take” ay isang Japanese online web show na dedicated para sa mga musicians at singers na mag-perform nang live sa pamamagitan ng isang take lamang.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE