SB19 joins call to end corruption

-

Nakiisa ang P-pop group na SB19 sa panawagan na tuldukan ang korapsyon sa bansa.

Habang sila’y nasa isang show para sa kanilang “Simula at Wakas” world tour, nag-voice out ang nasabing P-pop group ng kanilang suporta sa mga humihingi ng hustisya laban sa korapsyon.

“Hindi lang bilang isang Pilipino, as an artist na rin, ang pagtungtong at pagpe-perform sa entablado ay ang paraan namin ng pagprotesta,” saad ng SB19 member na si Stell.

“Buong-buo ang suporta namin para sa lahat ng lumalaban, para sa lahat ng sumisigaw ng hustisya sa korapsyon at pagnanakaw sa kaban ng bayan,” dagdag pa niya.

Kasabay nito, hinighlight naman ng member na si Josh ang karapatan ng bawat mamamayan na makiisa sa boses ng panawagan na wakasan ang korapsyon.

“Para sa mga pumupuna kung bakit daw ba nagagalit o nakakapagsalita ng mga hindi magagandang salita, syempre, hindi naman tayo laging ganon. Pero may karapatan tayong magalit kapag tayo ay ninanakawan,” wika ni Josh.

“Magkakaiba man kayo ng paniniwala, magkakaiba kayo ng sinusuportahan, kahit sino pa ’yan, basta magnanakaw, may karapatan tayo magalit, dahil tayo ang isa sa mga tumutulong sa Pilipinas,” pagpapatuloy pa nito.

“Bilang isang Pilipino, [hindi talaga tayo] dapat manahimik lalo na kapag inaalipusta na tayo,” saad naman ni Pablo.

Maliban pa rito, nanawagan naman ang member na si Justin sa mga mamamayan na maging mulat patungkol sa mga kasalukuyang nangyayari sa bansa.

“Harap-harapan na po tayong niloloko. Oras na po para mamulat. ’Di na pwedeng hayaan na lang yan, mauulit din yan,” pahayag niya.

“Marami po tayong pwedeng gawin. Kahit ano pa po yan, kahit di pa yan nakikita o naririnig, basta para po sa bayan natin, sana po gawin natin,” saad niya.

“Mahal namin ang Pilipinas, and alam ng lahat ‘yan,” wika naman ng member na si Ken.

Matatandaan na noong 2021 ay nag-release ang SB19 at OPM band na Ben&Ben ng isang political song na pinamagatang “Kapangyarihan.”

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE