Gyucheol unit is coming, CARATs!
Opisyal nang inanunsyo ng talent agency na Pledis Entertainment na nakatakdang mag-release ang mga SEVENTEEN members na sina S.Coups at Mingyu ng kanilang mini album na “Hype Vibes.”

Ayon sa anunsyo ng Pledis, irerelease ang naturang album sa September 29, 2025.
Kasabay nito, naglabas din ang HYBE Labels ng trailer para sa upcoming album ng Gyucheol unit.
Ang Gyucheol unit ay ang ikaapat na unit na magdedebut sa ilalim ng K-pop group na SEVENTEEN.
Matatandaan na nauna nang nag-debut ang BooSeokSoon o BSS na binubuo nina Hoshi, Dokyeom, at Seungkwan. Sunod naman ang JxW unit na binubuo nina Jeonghan at Wonwoo, at HxW unit na binubuo naman nina Hoshi at Woozi.
Kaugnay nito, nagpahayag naman ang mga fans ng kanilang excitement para sa upcoming unit debut nina S.Coups at Mingyu.
“This is the unit carats were praying to have since day one and finally we are here,” komento ng isang netizen.
“Cheol and Gyu getting their moment to shine and show the world how amazing of an artist, singer, rapper they are,” dagdag pa ng isa.