“Best day ever.”
Ganito ang naging reaksyon ng professional volleyball player na si Mika Reyes matapos siyang ma-notice ng SEVENTEEN member na si Boo Seungkwan.
‘BEST DAY EVER’ 🥹🩵
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) August 26, 2025
Ganito ang inihayag ng professional volleyball player na si Mika Reyes matapos i-like ng SEVENTEEN member na si Boo Seungkwan ang kanyang message sa Instagram.
Sa Instagram story ni Mika, makikita ang message niya para kay Seungkwan. pic.twitter.com/0yPjxYcjBg
Sa isang Instagram story ni Mika nitong August 26, makikitang nag-reply siya sa story ni Seungkwan.
“Comeback to Manila pls,” mensahe ni Mika kung saan nag-react ang K-pop idol.
“Ohhhh myyyyy. Best day ever. Boo liked my message I CRI,” pahayag ni Mika sa kanyang Instagram story.
Kilala si Seungkwan bilang isang SEVENTEEN member na may interes pagdating sa larangan ng volleyball.
Sa katunayan, nakatakdang mag-appear si Seungkwan sa isang MBC TV volleyball variety show na “Rookie Coach Kim Yeon Koung” kung saan magsisilbi siya bilang isang team manager.
Samantala, kumalap naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens ang Instagram story ni Mika.
“Boo Seungkwan… Do you happen to watch ph volleyball,” komento ng isang netizen.
“I hope Seungkwan knows that Mika is a Filipina volleyball player who just recently won a championship and got the Finals MVP award,” hirit ng isa.
“Lowkey wanna see Boo play volleyball with PH players,” dagdag pa ng isa.