Shuvee Etrata on Anthony Constantino: ‘Siya lang ang nagtiyagang pumunta sa bahay namin’

-

Ibinahagi ng former Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Shuvee Etrata na ang kanyang suitor na si Anthony Constantino lamang ang nagtiyagang pumunta sa kanilang bahay sa Bantayan Island sa Cebu.

Sa interview kay Shuvee sa programang “Kuan On One,” sinabi niyang pumunta si Anthony sa Cebu upang kilalanin ang kanyang pamilya.

“Sabi ko [kay Anthony], for you to be able to get to know me, you need to know my family first. Kaya siya sumama sa Bantayan! Sabi naman niya, ‘You’re going to Bantayan, I’ll go with you. I want to meet your family there,’” saad ni Shuvee.

“First time niya sa Cebu. Sabi niya, ‘This is the province life,’ Hindi niya nagustuhan. Marami raw lamok! Gusto niya sa beach! Pero sa bahay… hala, ang daming lamok!” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Shuvee, ipinakita niya rin ang kanilang bahay kay Anthony.

“Pinakita ko naman yung bahay namin para hindi siya ma-shock. Kaya masasabi ko talagang si Anthony lang ang nagtiyagang pumunta sa bahay namin,” pahayag niya.

“Aanhin mo yung sikat na nagkakagusto sa ‘yo, mayaman, sikat pero hindi ka tanggap for who you are,” dagdag pa nito.

Pagbabahagi pa ni Shuvee, si Anthony din ang nag-introduce sa kanya sa Christian church.

“Siya pa ang nagdala sa akin sa church. May mga personal life problem ako na I almost gave up. It made me so vulnerable. Ang dami kong pinagdaanan na parang pagod na pagod na ako, na nag-decrease yung spiritual health ko,” kwento niya.

“Siya ang nagdala sa akin sa church, Christian church, kaya ko rin siya na-appreciate kasi Christian siya,” dagdag pa nito.

Ayon naman kay Shuvee, sa ngayon ay nais niya pang mas makilala pa si Anthony.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE