Nag-open up ang former Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Shuvee Etrata patungkol sa kanyang pamilya.
Sa isang vlog ni Vice Ganda, ibinahagi ni Shuvee na “dysfunctional” umano ang kanyang pamilya.
“Dysfunctional po yung family. Kasi my dad, wala po siyang work. And then yung mom ko naman, buntis lang nang buntis before,” pagbabahagi ni Shuvee.
Pag-amin ni Shuvee, naging ugat umano ito ng kanyang “hatred” sa kanyang mga magulang.
‘BAKIT BA GINAWA KAMING SIYAM?’
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) July 29, 2025
Iyan ang naging saad ng former Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Shuvee Etrata matapos mapag-usapan sa isang vlog ang patungkol sa kanyang pamilya. pic.twitter.com/zzfYHhLfFU
“’Yun yung naging ano ko kay mommy ko, parang hatred ko ba. Kasi nung [lumaki] na ako, bakit ba ginawa kaming siyam? Lima pa lang kaming [magkakapatid] no’n, hirap na kami eh. Tapos nag-anak sila nang nag-anak, never sila tumigil,” pahayag niya.
Ngunit kahit ganito, inamin ni Shuvee na napatawad niya na ang kanyang mga magulang.
“’Yun po yung bubog ko. [Pero] nakapagpatawad naman na po kami sa loob ng Bahay ni Kuya. Naging way po ang Bahay ni Kuya, siguro nahiya sila. Kasi sinabi ko do’n lahat eh, naging no filter ako doon,” pahayag niya.
Ayon pa kay Shuvee, motivation niya ang kanyang family experiences upang bigyan nang maayos na buhay ang kanyang siyam na kapatid.
“Sa parents ko, yes, nandun ‘yung hatred ko sa kanila, ’yung forgiveness, okay, nandun… I will still honor them until my last breath. It’s just that my siblings po, gusto ko ibigay sa kanila yung buhay na deserve nila. ’Yun yung fire ko para mas galingan dito sa outside world,” saad niya.
On how her experiences affect her principles in life
Kaugnay nito, nabanggit din ni Shuvee sa nasabing vlog kung paano nakaapekto ang kanyang experience sa pamilya sa kanyang mga life principles.
’SABI NILA, ’DI BA, HINDI NABIBILI NG PERA ‘YUNG KASIYAHAN. PERO PARA SAKIN… NABIBILI NIYA TALAGA’
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) July 29, 2025
Ito ang ibinahagi ng former Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Shuvee Etrata sa isang vlog ni Vice Ganda. pic.twitter.com/JbVnwrtUzd
“Sa totoo lang, meme, ayaw ko nga magka-anak eh. Ganun ’yung level ng trauma na nabigay ng parents ko sa akin,” pagbabahagi ni Shuvee.
Ayon kay Shuvee, para sa kanya, nabibili ng pera ang kasiyahan.
“Sabi nila, ’di ba, hindi nabibili ng pera ’yung kasiyahan. Pero para sakin talaga meme, nabibili niya talaga, kasi hirap talaga ng buhay namin,” saad niya.
“Mahirap kami, yes masaya kami, pero ’yung trauma, goal ng lahat na magkakapatid, umalis sa bahay… Kasi kulang kami sa pera, kulang sa aruga ng magulang,” dagdag pa niya.
“So ’yung mga ganung bagay po na naranasan ko, it made me a better person in a way na ngayon alam ko na kung paano ako magiging mabuting ina sa mga future kong [anak], kung meron man,” dagdag pa nito.