KZ Tandingan explains why she’s not yet ready to have a child

-

Ipinaliwanag ng singer na si KZ Tandingan kung bakit sa ngayon ay hindi pa sila ready ng kanyang asawa na si TJ Monterde na magkaroon ng anak.

Sa isang podcast ng P-pop boy group na SB19 na “Time First” kung saan naging guest sina KZ at TJ, sinabi ni KZ na sa ngayon ay nais niya munang magsumikap pa lalo para sa kanyang career.

“Actually, mas ako yung mas ayaw pa. Hindi naman din na hindi, pero for now, parang ayaw pa,” wika ni KZ.

“Kasi du’n din tayo babalik sa I think I’m in my season of waiting sa career ko, na parang ngayon I’m happy with where I am pero I’m hoping na sana may mangyari pa na I have more songs, parang ganun,” saad niya.

“Ayokong dumating yung time na pag nabuntis ako, I don’t wanna rob my child of the time na they deserve because gusto kong mag-work pa ng mag-work. Ayoko din dumating yung time na baka pag hindi na ko mag-work, baka at the back of my mind, may regret ako na hindi ko naipaglaban yung career ko,” pahayag niya.

Kasabay nito, sinabi rin ng singer na ayaw niya umanong magpadala sa pressure.

“I’m trying to take my time kasi I also don’t want to force myself to become a mother just because I was pressured,” pahayag niya.

“The pressure actually falls sa babae. Kasi ang lalaki naman, pag nabuntis mo yung asawa mo, pwede ka pa rin mag gig, tuloy pa rin ang buhay eh. Pero sa asawa, like ako, if I get pregnant, that’s already nine months na hindi ako pwede mag-rap rap, tumambling tambling,” saad niya.

Paglilinaw naman ni KZ, hindi nila tuluyang sinasara ang door of opportunities pagdating sa pagkakaroon ng anak.

“But we’re not saying na we’re closing the doors. Kahit sabihin namin na, ‘Ayaw pa namin, ayaw ko pa,’ ’pag binigay naman ng Panginoon ’yan, I believe it’s meant to happen,” pahayag niya.

Ayon naman kay TJ, sa kasalukuyan ay happy at contented sila ni KZ sa pagiging mag-asawa.

“For me personally, a couple is a family. So if walang baby, edi pag binigay, thank you Lord,” wika niya.

“’Di ba kasi may sinasabi lagi na, ’Anak na kayo, kasi ‘yan na lang ang kulang para maging pamilya kayo.’ Masaya naman kami,” saad ng singer.

Matatandaan na ikinasal si KZ kay TJ noong August 2020.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE