Kristel Fulgar fulfills her promise of returning to Italy with Korean husband

-

Tila maraming netizens ang na-inspire sa kwento ng vlogger na si Kristel Fulgar patungkol sa kanyang ‘promise’ na pagpunta sa Venice, Italy kasama ang kanyang future husband.

Sa isang Instagram post ni Kristel, nagbahagi siya ng ilang photos kasama ang Korean husband na si Ha Su-hyuk habang sila’y nasa Venice.

“Ten years ago, I promised myself I’d only return to this romantic place with my future husband,” kwento ni Kristel.

“And now, I’m back, Venezia,” wika pa nito.

Maliban sa Venice, pumunta din sina Kristel at Su-hyuk sa Paris, France para sa kanilang honeymoon.

“You make me crazier,” mensahe nito kay Su-hyuk.

Matatandaan na ikinasal si Kristel kay Su-hyuk nito lamang May 10, 2025.

Ginanap ang kanilang wedding sa Seoul, South Korea.

Pagbabahagi ni Kristel, bago pa siya magkaroon ng boyfriend ay matagal siyang naging bitter sa mga sweet couples.

“Matagal po akong naging bitter sa mga couples na sweet, ganyan. Sabi ko, hindi ako mag gaganyan. Parang kinikilabutan naman ako ’pag may nakikita ako na nagpi-PDA,” pagbabahagi niya sa online interview show na “Toni Talks.”

“Pero ngayon, ‘Ah, gets ko na.’ Parang ibig sabihin, alam ko na yung feeling,” dagdag pa nito.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE