Ivana Alawi admits being a ‘sugar mommy’ in her past relationship

-

Ibinahagi ng actress-vlogger na si Ivana Alawi na minsan siyang naging “sugar mommy” umano sa kanyang mga past relationship.

Sa interview ni Ivana kay Boy Abunda sa programa na “Fast Talk with Boy Abunda,” ibinahagi niya na isa siyang “proud sugar mama.”

“Opo, proud sugar mama! Baklang-bakla ’to,” wika ni Ivana.

Aniya, mapag-regalo umano siya sa kanyang mga nagiging partner.

“Mapagbigay talaga ako… Mapag-regalo ako. Mga branded, ganyan,” pagbabahagi niya.

Kaugnay nito, nabanggit din ni Ivana na minsan din siyang nagbigay ng allowance sa kanyang ex-partner.

“Pero yung dati naman, ex ex na parang landian and all, more on mga pagkain, gas, ganyan, pera pang-allowance. Hindi naman monthly ah, minsan-minsan lang, every 3 months,” pahayag niya.

“Mga hotel, lahat, ako nagbabayad… Dinner, ako rin. Pati wine namin, lahat ako,” saad pa nito.

Maliban dito, nag-open up din ang vlogger patungkol sa ikinasama ng loob niya.

“Tapos yung pinakamasama yung loob ko, hotdog na nga lang, mahilig ako sa hotdog na may sandwich ha, tapos syempre, kaya ko ubusin yung isa kasi gutom ako, hinatian pa ko. Kasi daw kulang ng budget… Masama po talaga loob ko do’n, yung hotdog ko po, hinatian pa ko,” dagdag pa niya.

Ayon kay Ivana, natigil umano ang kanyang “sugar mommy” phase matapos niyang ma-realize niyang hindi umano siya dapat perahan.

“Na-realize ko, maganda naman ako, hindi naman ako chaka… Bagets naman ako, hindi naman ako matanda. Bakit mo ko pineperahan?” wika niya.

Payo rin ni Ivana, hindi rin dapat pumasok sa isang relasyon nang dahil lamang sa pera.

“Pero dapat, hindi mo rin peperahan ang mga matatanda at bagets ah… Dapat in general, ’wag ka na mamera. Nasa relasyon ka para sa pag-ibig, hindi para sa pera,” pagpapatuloy pa ng vlogger.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE