Angelica Panganiban reacts to KimPau’s movie: ‘Friends daw pero ganun maghalikan’

-

May kwelang reaksyon ang aktres na si Angelica Panganiban patungkol sa pelikula ng bestfriend na si Kim Chiu at Paulo Avelino na “My Love Will Make You Disappear.” 

“Mula umpisa hanggang matapos, talagang ngumingiti ka lang. Of course, may mga moments na makikinig ka but most of the time talagang mapapasigaw ka, tatawa ka nang malakas, as in laugh out loud film siya,” pahayag ni Angelica sa panayam ng ABS-CBN News.

Ayon pa kay Angelica, proud din umano siya para sa kanyang kaibigan na si Kim.

“Nakaka-proud bilang mga kaibigan dahil kitang-kita mong trinabaho talaga ni Kim yung buong pelikula. And bagay na bagay talaga sila ni Pau. Dito ko na-confirm na bagay nga talaga,” wika ng aktres.

“Congratulations, Kim. Parang si Kim lang talaga yung gusto kong i-congratulate, talagang panalong-panalo siya sa mga ginawa niya kay Pau,” mensahe naman ni Angelica kay Kim. 

Biro pa ni Angelica, nabilang umano nila ang kissing scenes sa nasabing pelikula. 

“84 million [yung kissing scenes],” hirit ni Angelica.

Nang matanong naman si Angelica patungkol sa relationship status nina Kim at Paulo: “Friends daw sabi… Pero ganun maghalikan.” 

Samantala, nag-react din si Kim sa naging pahayag ng kaibigan sa isang post sa X.

“HOOuuuiiiii!!!! Bat naman may paganun mga momsy!!!!!!,” saad ni Kim.



Matatandaan na nag-premiere sa mga sinehan ang nasabing pelikula nito lamang March 26.

RELATED VIDEO:

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE