‘Pinilit kong masabi mga dapat kong sabihin para aalis siya na kampante siya’: Daughter shares last few moments before father passes away

-

This daughter shared a heart-pinching conversation with her father before he passed away on May 16, 2024.

In an exclusive interview with The Philippine STAR/LatestChika.com, 34-year-old Criselda Luklukan couldn’t help but become emotional while recalling the last few moments with her father, Rogelio, before he died in the hospital.

“Masakit pero hindi mabigat sa loob ‘yung pagkawala niya. Kasi nasabi ko lahat.  Nakasama ko papa ko, nahawakan ko, nakausap ko. Sabi nila, isa daw ‘yung sa pinaka-peaceful, pinakamasarap na pagkawala. Kasi nakapagpaalam,” she said.

In the viral video uploaded on TikTok, Criselda can be heard talking to her sick father in the hospital.

“Pagod ka na ba? Pero ginawa naman namin lahat ‘di ba? Hindi namin pababayaan si mama. Mahal na mahal ka namin. Hindi ka naman namin sinusuko. Pero kung pagod na pagod ka na… Kay Lord ka naman pupunta,” Criselda said to her father.

“‘Yung ibang tao kasi parang negative ‘yung dating sa kanila nung pagkakausap ko kay papa. Pero hindi nila alam kung gaano kasakit sa akin ‘yun. Masakit. Sobra. So, pinilit kong masabi mga dapat kong sabihin para alam mo ‘yun, aalis siya na kampante siya. Aalis siya nang wala na siyang iisipin,” she emotionally added.

Criselda said that it was heartbreaking for her and her family to see her father suffering at the hospital, which is why she had to talk to him.

“Kinausap ako nung pari na kaibigan namin na sabi niya, siguro kausapin ko na daw si papa para makampante siya. Kasi parang siguro kaya hindi siya makabitaw kasi lagi namin sinasabi na ‘Laban ka lang, pa.’ Ganon. So sabi nung pari siguro oras na para magpaalam. Ganon. Magpaalam na,” she recalled.

Before her father passed away, Criselda visited Baclaran Church to pray for Tatay Rogelio’s condition.

Sharing, “Nagdasal ako. Sabi ko, hindi naman sa isinusuko, pero hindi namin kaya na makita na ganun si papa.Kung ano ‘yung kaloob, tatanggapin namin. Basta bigyan lang kami ng lakas ng loob para makayanan ‘yung lahat. Tapos, pagkatapos kong magdasal, ‘yung cellphone ko nagva-vibrate.”

“Tumatawag ‘yung mama ko. Sabi niya, si Papa tumitirik daw. Iyak na ako nang iyak. Sabi ko, parang ang bilis ng answer. Ang bilis ng sagot. ‘Di ba? Kaya lang, kung alam ko lang na ‘yun na ‘yung huling araw, sana hindi na ako umalis sa tabi niya. Sinulit ko na sana,” she added.

Tatay Rogelio died due to heart attack. Even though it was hard to continue life without him, Criselda said that their heart was at peace knowing that her father was pain-free.

“Hindi niya kami binigla. Hanggang ngayon, masakit talaga. And sabi ko nga, there’s no healing na, only acceptance. Diba? Acceptance na lang talaga siguro. May oras na, iiyak ka na lang bigla, kumakain ka. ‘Yung mga paborito niya. ‘Pag pupunta ka ng groceries, makikita ko ‘yung binibili ko sa kanya. ‘Yung paborito niya ang biscuit, tapos ‘yung diapers niya, gatas,” she said.

When asked about her message to Tatay Rogelio, Criselda was in tears.

“Pa, alam mo naman kung anong sinabi ko sa’yo bago ka mawala. Ginagampanan ko naman. Basta ano, kasama ka pa rin namin sa lahat ng pangarap namin. Sa araw-araw, actually, kasama ka pa rin namin, pa. Hindi ka namin nakakalimutan,” Criselda said.

“Sobrang thank you sa lahat ng sakripisyo. Salamat sa pagiging malakas sa panahon na alam namin na hinang-hina ka na.. Hindi namin pababayaan si mama. Mahal na mahal ka namin,” she added.

Janelle Lorzano
Janelle Lorzano
Janelle Lorzano likes long walks on the seaside and listening to people about their lives. When she isn't writing, she travels and discover new places.

Latest

YOU MAY LIKE