Andrea Brillantes reacts after being No. 1 in ‘Top 100 Most Beautiful Faces in 2024’

-

“Siguro binigay sakin ni Lord yung ganitong mukha kasi madami akong pagdadaanan sa life.” 

Ito ang inihayag ng aktres na si Andrea Brillantes matapos mapag-usapan ang patungkol sa kanyang pagiging No. 1 sa “Top 100 Most Beautiful Faces in 2024” list ng TC Candler. 

Sa isang interview kay Andrea sa noontime variety show na ASAP nitong January 12, ibinahagi ng aktres kung paano niya nalaman na kabilang siya sa nasabing list.

“Sobrang saya ko nung nalaman ko yon, kasi normal day lang yon sakin. Tapos patapos na yung 2024, tahimik naman yung holiday ko non… Wala na kong ine-expect na meron pang pahabol or meron pang pasabog yung 2024 for me. So nung nalaman ko yon, gulat na gulat ako,” pagbabahagi ng aktres.

Ayon kay Andrea, masaya siya na napili siya bilang No.1 sa Most Beautiful Faces.

“Sa akin kasi, wala naman akong masyadong care sa mga title na yan, kung most beautiful, pero syempre, masaya ako na napili ako,” saad niya.

Kaugnay nito, ibinahagi rin ng aktres na dati rin siyang na-bully sa school.

“Dati kasi, sobrang nabu-bully sa school, parang never ako talaga naging maganda sa school. For the longest time, insecure na insecure ako. Never ko nakita sarili ko na maganda ako. So para makita ng iba na ganun, na top 1 ako, sabi ko, thank you,” wika niya.

Dahil dito, sinabi ni Andrea na nagpapasalamat siya sa Diyos dahil sa ibinigay nito sa kanya.

“Siguro binigay sakin ni Lord yung ganitong mukha kasi madami akong pagdadaanan sa life. So sabi niya, ’At least gawin nating maganda ’tong babaeng ‘to.’ Kasi minsan umaabot talaga ako sa point [na] alam mo yon […] ’Lord, alam mo, thank you na lang din sa mukha ko po,’” saad niya.

Kwento ng aktres, dahil sa kanyang mukha ay nagkaroon siya ng pantustos sa kanyang pamilya.

“Sa mukha ko kasi na ’to, nabayaran ko yung pampakain ng family ko, lahat ng ’to, nagagawa ko dahil sa face ko,” dagdag pa niya.

Sa isa namang separate interview, sinabi ni Andrea na isang karangalan ang mapabilang sa nasabing list. 

“Napakalaking honor po na maging top 1 sa 100 Most Beautiful Faces ng TC Candler. This isn’t just about beauty, it’s about confidence, uniqueness, and embracing who you are,” pahayag niya.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE