Nag-open up ang South Korean rapper at actor na si Choi Seung-hyun, o mas kilala bilang T.O.P, patungkol sa kanyang pag-alis sa K-pop group na BIGBANG.
Sa isang sit down interview, natanong si T.O.P kung naiimagine niya ang kanilang reunion kasama ang mga BIGBANG members.
“I do imagine it a lot—[situations where] we give each other blessings,” wika niya.
Ayon sa kanya, umalis siya sa naturang K-pop group dahil sa “sense of guilt.”
“Honestly, I just carry a lifelong sense of guilt. I left because I felt I had no right to stay. All I feel is that I’m just deeply sorry,” saad niya.
“My 30s felt like lost time. During that period, I endured intense shame and self-contempt, spending time reflecting deeply on myself,” pagbabahagi niya.
Sa kabila nito, ibinahagi ni T.O.P na nakahanap siya ng healing sa pamamagitan ng paggawa ng music.
“For the past seven years, I have lived almost isolated from society, spending most of my time at home and in my music studio. So I just kept working on music in the dark and the reason I did that was not for any other reason, but because music was the only place where I could breathe, when I was composing music and standing in front of the microphone. I think I made music to survive,” wika niya.
“So I wrote a countless number of songs, just by listening to my own dark heart and inner turmoil. I wanted to heal myself through music and I want to share that music with my fans in some way,” dagdag pa nito.
Kasabay nito, sinabi ni T.O.P na umaasa siya na mas magiging responsible siya sa kanyang 40s.
“If I were to imagine my 40s, I hope to live as a responsible and stable man, just like any ordinary young person in Korea. I plan to focus on maintaining a balanced diet, exercising regularly, and fostering positive thoughts,” pahayag niya.
“I want to live a life where, when I wake up in the morning, there are no negative articles about me on the news portals,” dagdag pa nito.
Matatandaan na nag-debut si T.O.P sa K-pop group na BIGBANG noong taong 2006. Dito, kasama niya ang mga co-members na sina G-Dragon, Taeyang, Daesung, at Seungri.
Ngunit noong taong 2017, nasentensiyahan ng 10-month imprisonment si T.O.P matapos siyang mahatulang guilty sa paggamit ng marijuana, bagay na illegal sa bansang South Korea.
Samantala, noong 2023 ay inanunsyo ni T.O.P ang kanyang departure sa BIGBANG.
Nito lamang 2024 ay nag-debut naman si T.O.P bilang isa sa mga cast ng South Korean survival thriller series na Squid Game season 2, kung saan ginampanan niya ang role bilang si Thanos, isang rapper.