Ibinahagi ng aktres na si Nadine Lustre na hindi umano importante ang pagre-revenge para sa kanya.
Sa isang lie detector drinking game video ng Rec•Create, tinanong ni Aga Muhlach ang kanyang “Uninvited” co-star na si Nadine patungkol sa revenge.
‘GROWING UP, I REALIZED HINDI IMPORTANTE YUNG REVENGE FOR ME’
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) December 23, 2024
Ganito ang ibinahagi ng aktres na si Nadine Lustre sa latest video ng Rec•Create matapos nilang mapag-usapan ng aktor na si Aga Muhlach ang patungkol sa revenge. pic.twitter.com/nAMnR70ZXn
“Are you willing to commit a crime to gain revenge?” tanong ni Aga.
“As much as I am a Scorpio, I don’t think I would,” sagot naman ni Nadine.
Ayon sa aktres, mas importante sa kanya na maging okay siya personally kaysa sa gumawa pa ng revenge.
“Parang growing up, I realized hindi importante yung revenge for me,” wika niya.
“Mas gugustuhin ko na maging okay ako from whatever it is that happened, rather than getting revenge,” dagdag pa niya.
“Revenge, no na. Like willing to commit a crime, no,” saad niya.
Kasabay nito, sinabi din ng aktres na naniniwala din siya sa “karma.”
“Kasi ako, I also believe in karma. Bahala na yung karma do’n,” pagpapatuloy pa niya.