Arra San Agustin denies romantic involvement with Paolo Contis 

-

Itinanggi ng TV personality na si Arra San Agustin na nagkaroon sila ng relationship ng dating Tahanang Pinakamasaya co-host na si Paolo Contis. 

Sa isang episode ng programa na Fast Talk with Boy Abunda na umere nitong December 26, natanong si Arra patungkol sa mga rumors sa kanila ni Paolo.

“No. Hard no,” sagot ni Arra matapos matanong ni Boy kung nagkaroon sila ng relationship ni Paolo.

Sa nasabing programa, ipinaliwanag ni Arra kung saan nag-start ang mga rumors patungkol sa kanila ni Paolo.

“Nag-start po kasi yan sa Tahanang Pinakamasaya. So meron po kaming skit do’n, ‘TP Happy’ yung tawag po, yung sa dulo po ng segment. So skit siya, nasa stage, love triangle kami, ako, si Kuya Pao and si Kuya Betong,” saad niya.

“Yung mga tao, they cut out pictures of me and Kuya Paolo tapos gumagawa sila ng mga articles, like mga headlines na ako daw yung third party,” wika pa nito.

Ayon kay Arra, “fake news” din umano ang mga rumors na ito.

“So, nag-start po yan last year. I think it was also this time last year, around this time din. Tapos, for some reason, nag-resurface po siya, itong news na ’to. And fake news. Fake yung source, du’n po siya galing,” paglilinaw niya.

Dagdag pa ni Arra, wala din silang mga videos o pictures ni Paolo na casually na nagha-hang out nang hindi kasama ang kanilang mga co-hosts sa Tahanang Pinakamasaya.

“Wala silang nakikitang videos, pictures, and footage naming dalawa ni Kuya Paolo casually hanging out together without the TP fam, like nothing related to TP. Wala,” saad niya. 

“It was really coming from zero… Ang tagal na po naming magka-work. Since Bubble Gang. Wala naman,” dagdag pa nito.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE