Kristel Fulgar on having first BF at 29: ‘Sobrang worth the wait’

-

Masayang ibinahagi ng vlogger na si Kristel Fulgar ang patungkol sa kanilang relationship journey ng kanyang Korean boyfriend na si Ha Su-hyuk. 

Sa kanyang latest vlog, sinabi niya na wala siyang pagsisisi dahil “worth the wait” ang kanilang relationship.

“Sobrang nakakatuwa na maraming natuwa para sa akin. […] May pagka-late bloomer man, eh nakahabol pa din. Char!” wika niya.

“Pero wala ’kong pagsisisi kasi talaga naman, everything is worth the wait,” saad ng vlogger.

Pag-amin niya, minsan na rin siyang naka-ramdam ng pressure dahil malapit na siya sa kanyang gustong marrying age.

“I remember, parang mga 3 years ago, medyo nape-pressure na ako, kasi nga malapit na ’ko du’n sa gusto kong marrying age, which is 30, 31, 32. Tapos ’yung mga ka-batch ko, nagpapakasalan na, may mga anak na,” kwento ni Kristel. 

“So na-realize ko, ano ba ’yung pinaka talagang goal ko sa buhay? Akala ko dati, parang yumaman lang, magkaroon ng maraming pera. Pero I realized, pagtanda ko, what I really wanted is to have my own family,” pagbabahagi niya.

Matatandaan na nitong November ay inanunsyo ni Kristel sa isang vlog na boyfriend niya na ang kanyang Korean suitor na si Su-hyuk. 

Kaugnay nito, idinetalye naman ni Kristel kung paano niya nakilala ang kanyang boyfriend.

“Meron akong friend na pinakilala sa akin si Su-hyuk. […] Kilala niya si Su-hyuk na talagang mabait and that friend [ay] kilalang-kilala rin ako kaya alam niya ’yung personality ko, alam niya kung ano rin ’yung gusto ko sa guy,” kwento ni Kristel.

Ayon sa kanya, marami din silang similarities ni Su-hyuk.

“And then, nung una pa lang naming pagkakakilala, para talagang super magical. […] Swak kami sa values, pareho kaming very respectful, pareho kaming conservative. 

“’Yung approach niya sa dating very classic and ’yun din talaga ’yung gusto ko sa guy. And then marami na kami na-share sa isa’t-isa,” pagbabahagi ng vlogger.

“And then, sabi ko talaga sa sarili ko, alam mo, kung totoo lahat ng mga sinabi niya sa ’kin, sobrang okay nitong guy na ’to ha. Sabi ko, ‘Jackpot ako dito ah!’” dagdag pa niya.

“Sobrang worth the wait lahat ng bagay. Hindi ko pinagsisihan na siya ‘yung first boyfriend ko at 29 years old. May goal kasi ako and diniscuss ko din yon sa kanya na gusto ko, ‘yung first boyfriend, siya rin ‘yung maging last ko. And hopefully gusto niya ‘yun matupad,” pagbabahagi pa ng vlogger.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE