Sofronio Vasquez looks back on his ‘Tawag ng Tanghalan’ journey

-

Filipino singer na si Sofronio Vasquez, proud na nagbalik-tanaw sa kanyang Tawag ng Tanghalan (TNT) journey matapos niyang manalo sa The Voice USA Season 26.

Sa panayam ni Sofronio sa noontime show na It’s Showtime noong December 12, ibinahagi niya na proud siya nagsimula siya bilang isang TNT contender. 

“Proud po ako na nagsimula ako sa Tawag ng Tanghalan, kasi Tawag ng Tanghalan at It’s Showtime yung unang naniwala sakin,” pagbabahagi niya.

Matatandaan na unang sumali ng TNT si Sofronio noong taong 2016 bilang representative ng Mindanao. Noong 2017, muli siyang bumalik sa nasabing competition. Dito ay nakaabot siya semi finals.

Taong 2019 nang sumubok muli si Sofronio at matagumpay naman siyang nakapasok sa grand finals.

Matapos ang 5 years, hinirang naman siya bilang first Asian champion sa The Voice USA Season 26.

On his journey in The Voice USA 

Kasabay nito, ibinahagi din ng Filipino singer ang kanyang naging journey sa The Voice.

“Napaka-emosyonal po ng naging panalo ko kagabi. Actually ngayon po, nanginginig po ako habang shine-share sa inyo. Kasi parang pangarap ko lang po dati,” wika niya.

“Nagsimula po ako sa blind audition trying na just to represent myself and of course, sinubukan ko pong i-represent ang New Utica, New York,” saad niya.

Ayon pa sa singer, mismong ang producers umano ng nasabing competition ang nagsabi na i-represent niya ang Pilipinas.

“Mapalad po ako dahil yung mga producers ng mismong show, sila mismo yung nag-suggest na mas maganda kung siguro i-represent [ko] yung Philippines kasi hindi pa sila nagkaroon talaga ng Filipino blooded and full born and raised… So tinuloy ko po yun at dahan-dahan po naming pinaghirapan po,” dagdag pa ni Sofronio.

Maliban pa rito, thankful din umano si Sofronio sa kanyang coach sa The Voice na si Michael Bublé. 

“​​Masaya po ako na along the way, talagang sincere at totoong pagmamahal ’yung galing kay Michael Bublé para sa Pilipinas,” pagbabahagi ni Sofronio.

“At shinare po niya na mayroon po siyang deep connection sa Pilipinas kasi kumpare niya daw po si Martin Nievera at mayroon daw po siyang naka-date na kilala nating lahat na ‘dyosa’ sa atin,” saad pa niya. 

Kaugnay nito, nagbigay naman ng advice si Sofronio sa mga aspiring talents na nais mag-pursue ng kanilang career sa music.

“Siguro ang pinakamagandang advice na maibibigay ko, kahit ilang beses kang na-reject, hindi talaga siya nagpapatunay na wala ka nang chance eh,” pahayag niya.

“Sino ba naman kasing mag-iisip na ako, Bisaya, galing sa Mindanao, trying to just be someone in music and halos lahat ng auditions, sinubukan ko. 10 years after, naibigay sakin. So hindi talaga siya ano pag hindi mo titigilan,” wika pa nito. 

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE