“Hindi pinagtatawanan ang may pinagdadaanan.”
Ganito na lamang ang naging reply ng content creator na si Phillip Hernandez, o mas kilala bilang Davao Conyo, sa request ng isang netizen sa kanyang Instagram story prompt.
Sa kanyang story, makikita na tila nag-request ang isang netizen kay Phillip na gumawa siya ng content patungkol sa aktres na si Maris Racal.
“Make entry for Maris Issue please. Hahahah. Looking forward,” saad ng isang netizen.
‘HINDI MAGANDA YANG PINAGTATAWANAN ANG MAY PINAGDADAANAN’
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) December 8, 2024
Ito ang naging tugon ng content creator na si Phillip Hernandez, o mas kilala bilang Davao Conyo, sa sagot ng isang netizen sa kanyang Instagram story prompt. pic.twitter.com/e4Bv4ehLF4
“Ante hindi maganda yang pinagtatawanan ang may pinagdadaanan. Sana di mo ma experience,” wika ni Phillip.
Ayon sa kanya, hindi dapat umano gawan ng funny content ang patungkol sa pinagdadaanan ng ibang tao.
“Making fun of others for the sake of quick views is one of the lowest form of content. It’s lazy and malicious,” saad niya.
“Gets ko when we make things lighter through humor, or when we make other people accountable of their actions, especially people in power. But when it’s specifically targeted towards someone who made a mistake (and mind you, we all do!) it’s off-putting,” wika nito.
“Shaming a mistake is different from shaming an evil person,” pahayag pa niya.
Kasabay nito, nagbigay din ng reminder si Phillip sa naturang netizen.
“These type of people who take advantage of other people’s shame will do the same to you if you were in the same situation, so be very careful around them,” dagdag niya.
Kaugnay nito, tila maraming netizens naman ang um-agree sa content creator.
“Ganitong mindset dapat. Hindi ung mga feeling perfect na tao na tuwang tuwa sa misfortunes ng iba na akala mo di nagkamali buong buhay nila,” wika ng isa.
“Tama yan. Marami pang dapat pagtuunan ng pansin. Sana kung gaano ka involved at passionate ang mga tao sa ganitong usapin, sana ganun din kapag yung mga issues ay yung makakaapekto talaga sa buhay natin,” dagdag pa ng isa.
Kilala si Davao Conyo sa kanyang mga funny contents sa TikTok. Sa ngayon ay mayroon na siyang 2.5 million followers sa nasabing social media platform.