Ibinahagi ng aktor na si Alden Richards ang patungkol sa kanilang current relationship status ng kanyang “Hello, Love, Again” co-star na si Kathryn Bernardo.
Sa episode ng talk show na “Fast Talk with Boy Abunda” na umere nitong November 13, natanong si Alden kung nililigawan niya ba umano si Kathryn.
‘YUNG MERON PO KAMI NI KATH NGAYON IS I SHOULD SAY, REALLY DEEP’
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) November 14, 2024
Ito ang sagot ng aktor na si Alden Richards sa isang interview matapos mapag-usapan ang kanyang “Hello, Love, Again” co-star na si Kathryn Bernardo. pic.twitter.com/Uo0rYlBMBK
“Yung meron po kami ni Kath ngayon is I should say, really deep,” pahayag ni Alden.
“And since I got the chance to really know her now personally, ang dami ko pong nadi-discover sa kanya, our similarities and differences in how we view life. And sobrang na-a-appreciate ko po yung mga bagay na ino-open up niya sakin,” dagdag pa nito.
Kaugnay nito, nabanggit din ni Alden na na-meet niya na ang family ni Kath.
“The family… na-meet ko na rin po yung family niya. Nakakapunta po ako sa bahay ni Kath pag kaya po ng oras,” pahayag niya.
“Nakita ko po kung ga’no ka-humble yung family ni Kath. […] Welcoming me into their home, and yung pagtrato po nila sakin, hindi ko po naramdaman na ibang tao ako,” pagpapatuloy pa ng aktor.
Samantala, sinabi rin ni Alden na ayaw niyang madaliin ang kung anong meron sila ni Kathryn sa ngayon.
“Siguro sa ngayon po, ayoko pong madaliin kung ano man po yung pinagdadaanan naming dalawa and I think she has all the time in the world now that she’s been able to try new things as well for herself,” sagot ni Alden.
Bukod pa rito, ayon kay Alden, aware na rin si Kathryn sa kanyang feelings.
Matatandaan na parehong bumida si Alden at Kathryn sa film na “Hello, Love, Again,” ang sequel ng kanilang 2019 film na “Hello, Love, Goodbye.”