TikTok content creator Fhukerat gets emotional as he shares his dream for parents

-

Tila emotional ang TikTok content creator na si Kier Garcia, o mas kilala bilang Fhukerat, matapos siyang mag-open up patungkol sa kanyang dream para sa kanyang parents.

Sa vlog ni Toni Gonzaga na “Toni Talks,” ibinahagi ni Fhukerat ang patungkol sa kanyang dream na mapalagyan ng aircon ang kanilang bahay.

“Alam mo ba Ma, pumunta kami sa resort. Kakatapos ng birthday ko no’n. Nag-rent ako ng kubo… Kubo lang siya, pero aircon siya. Lahat kami do’n, kumpleto kami. Pamilya kami,” sey ng TikTok content creator.

“Tapos ako, nagla-live ako sa TikTok no’n, tapos pag-end ko ng live, pumasok ako sa kwarto. Tapos lahat sila nakahiga. Ta’s nakita ko si Mama, si Papa, lahat sila, humihilik. Hindi kasi nahihilik si Mama eh, tyaka si Papa eh. Ta’s nakita ko humihilik kasi ang lamig, ang comfortable nila do’n,” dagdag niya.

“Du’n ako naiyak. As in sabi ko, ‘Gagawin ko lahat para mapa-aircon kayo.’ Ganon,” kwento pa niya. 

“Pag-uwi ko ngayon, ipapa-aircon ko sila kasi du’n sila nagiging comfortable eh. Kasi matanda na sila eh. Ano, ipaparanas ko pa ’yun ’pag ano na? ’Di ba? Hindi naman sa hinihingi, ’pag wala na sila, ganon?” pagpapatuloy pa niya.

Dagdag pa ni Fhukerat, paraan niya ito upang mag-pay back para sa lahat ng sacrifices na ginawa ng kanyang parents. 

“’Yun ‘yung pangarap ko ngayon. Kasi never nilang naranasan ’yun, ’yung ganung buhay. Sabi ko dati, hirap na hirap kayo dati samin. Ngayon, hindi na kayo mahihirapan,” wika pa niya.

“Alam mo, ’yung mga bine-bless talaga, ’yung mapagmahal sa pamilya tyaka sa magulang,” pahayag naman ni Toni.

Kilala si Fhukerat dahil sa kanyang mga mukbang videos sa TikTok.

Kasabay nito, mayroon na siyang 1.6 million followers sa nasabing social media platform as of writing.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE