Andrea Brillantes expresses excitement after South Korean actress Seo Yea-ji liked her IG posts 

-

Tila surreal ang feeling ng aktres na si Andrea Brillantes matapos i-like ng South Korean actress na si Seo Yea-ji ang kanyang mga Instagram posts nitong Huwebes. 

Sa kanyang Instagram story, labis ang saya ni Andrea nang makita niya ang like ni Yea-ji.

“Hindi ‘to totoo… Hindi ‘to totoo,” paulit-ulit na wika ng aktres.

“Wait lang, ime-make sure ko lang,” saad pa ni Andrea at nagsimula na itong maging emotional. 

Tila hindi naman makapaniwala ang aktres na legit account ni Yea-ji ang nag-like sa kanyang mga photos.

“Oh my God!” pahayag niya.

“@yeyeji-seo liked my picture. Ilysm @yeyeji-seo. Limang picture ko pala yung nilike niya hindi lang isa, oh my gosh,” sulat pa nito sa kanyang story. 

Kilala si Yea-ji sa kanyang pagganap sa mga sikat na K-dramas na “It’s Okay Not To Be Okay,” “Recalled,” “By Quantum Physics: A Nightlife Venture,” at marami pang iba.

Kumalap naman ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens ang story na ini-upload ng aktres.

“We love you blythe! We feel you haha the best feeling of a fan girl being recognized by your idol,” wika ng isang netizen.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE