SB19 nominated in Nickelodeon Kids’ Choice Awards 2024, alongside ENHYPEN

-

Nominado ang P-pop supergroup SB19 bilang Favorite Asian Act sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards 2024. 

“Guess what?! We’re grateful to share that we’ve been nominated for the Nickelodeon Kids’ Choice Awards 2024 in the category of Favorite Asian Act!” saad ng SB19 sa kanilang Instagram post.

“Your support means everything. To vote for us, visit KCA.NICKELODEON.TV now!” dagdag pa nito. 

Ang SB19 ay ang natatanging Filipino act na na-nominate para sa nasabing awards.

Matatandaan na noong 2021 ay naging nominated din ang naturang grupo para sa Top Social Artist category sa Billboard Music Awards.

Binubuo ang SB19 ng mga members na sina Pablo, Ken, Stell, Josh, at Justin. Kilala sila sa kanilang mga hit songs na “MAPA,” “GENTO,” “Bazinga,” at iba pa.

Samantala, maliban sa nasabing P-pop group ay nominated din para sa parehong category ang K-pop boy band na ENHYPEN.

Matatandaan na kamakailan lamang ay pumunta sa Pilipinas ang nasabing K-pop band para sa kanilang “FATE” concert na ginanap nitong February, at Bench fan meet na ginanap naman nito lamang May.

Kilala ang ENHYPEN para sa kanilang mga hit songs na “FEVER,” “Polaroid Love,” “Bite Me” at iba pa.

Maliban naman sa SB19 at ENHYPEN, kabilang din sa mga nominated ang Malaysian singer na si Iman Troye, Japanese girl group na NiziU, at Indonesian singer Tiara Andini.

Nakatakda namang isagawa ang awarding ceremony sa Pauley Pavilion sa Los Angeles, California sa July 13.

Ayon sa Nickelodeon, nakatakdang maging host para sa nasabing event ang mga fictional characters na sina SpongeBob SquarePants at Patrick Star.

“The 2024 Kids’ Choice Awards will be hosted by SpongeBob SquarePants and Patrick Star, as to celebrate the 25th anniversary of SpongeBob SquarePants,” pahayag nito sa kanilang anunsyo.

This marks the first Kids’ Choice Awards ceremony to be hosted by animated characters,” pahayag ng Nickelodeon sa kanilang anunsyo,” dagdag pa nito. 

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE