IG official? Netizens react as Kobe Paras reposts Kyline Alcantara’s photos

-

Tila napansin ng ilang eagle-eyed netizens ang pag-repost ng basketball player na si Kobe Paras sa kanyang Instagram story ng mga photos ng aktres na si Kyline Alcantara. 

Sa Instagram post ng aktres, makikitang nag-share ito ng kanyang gorgeous-looking photos. Dito ay nag-iwan naman ng comment si Kobe na heart eyes emoji. 

Kumalap naman ng iba’t ibang hirit mula sa mga netizens ang komento ng basketball player. 

“Confirmed,” komento ng isang netizen.

“Tapos ang pila,” wika ng isa.

“Uwian na, nasa story na nya si ky,” dagdag pa ng isa. 

“Hoping we’re not just assuming!  Rooting for you guysss!  just saw the story happy for you girl!” saad pa ng isa.

Maliban pa rito, matatandaan na nauna nang napansin ng mga netizens ang umano’y same photos sa Instagram stories nina Kyline at Kobe kamakailan. 

Sa ngayon ay wala namang inilalabas na pahayag ang dalawa patungkol sa kanilang current status. 

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE