Kim Chiu on viral kissing scene with Paulo Avelino: ‘Baka pag inulit-ulit ‘yun, kami na’

-

Tila may kwelang hirit ang TV personality na si Kim Chiu sa kanilang viral cabinet kissing scene ng aktor na si Paulo Avelino sa serye na “What’s Wrong with Secretary Kim.” 

Sa isang interview, inamin ni Kim na kinabahan umano siya nang gawin nila ang kissing scene. 

“Nakakakaba gawin ’yung eksena na ’yun tyaka nakaka… parang nahiya din ako… as a dalagang Pilipina. Medyo nahiya ako, pero inano ko na lang sa kung ano ’yung… para hindi na kami ulit-ulit,” sey ni Kim.

“Baka pag inulit-ulit ’yun, kami na,” pabirong hirit pa nito. 

Ngunit kahit na kinakabahan, sinabi ni Kim na binigay pa rin nila ang kanilang best para sa magandang outcome ng eksena. 

“Parang isa, one time big time na natin, ibigay na natin ’to, para mas maganda namang mag-edit ng bawas kaysa kulang na ‘Uy, parang kulang, parang hindi kayo,’ ’di ba?” pagpapatuloy niya. 

Ayon naman kay Paulo, naka-dalawang take umano ang kanilang kissing scene ni Kim.

“Isa or dalawa siguro para doon sa backshot. Pero it’s funny because when Direk Chad was shooting that, parang iconic scene din kasi ata ‘yung scene na ‘yun sa original, so ayaw rin naming mapahiya, so parang ginandahan na rin ni Direk Chad para sa viewers namin,” pahayag ni Paulo sa TV premiere poster reveal ng kanilang serye. 

“Syempre, hindi pa nagsisimula ‘yung ‘Secretary Kim’ ‘yan na ‘yung laging pinalabas ng mga tao na ‘yung fan talaga ng show na, ‘Naku, eto, aabangan talaga namin ‘to kasi very iconic ‘to,’” wika ni Kim.

“So kami naman, sobrang na-pressure kami, kasama si Direk Chad, na parang sana ano, sana hindi natin ma-fail ‘yung mga fans ng Korean ‘Secretary Kim.’ Sana may ibubuga [r]in ‘yung Philippine version,” dagdag pa nito. 

Matatandaan na kamakailan lamang ay nag-trending sa social media ang nasabing eksena. 

Kaugnay naman nito, nakatakda nang umere sa TV ang “What’s Wrong with Secretary Kim” simula May 25. 

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE