Sophie Albert reposts a TikTok blind item, sparks speculations

-

Samo’t sari ang naging komento ng mga netizens makaraang i-repost ng aktres na si Sophie Albert ang isang blind item sa TikTok. 

Sa video na umano’y ini-repost ni Sophie, makikita ang blind item patungkol sa isang sikat na celebrity na umano’y nakatakdang mag-file ng annulment sa kanyang partner. 

Dahil dito, nagsimula namang mag-speculate ang mga netizens patungkol sa status nina Sophie at ng kanyang asawa na si Vin Abrenica. 

@bean_d_zel #BlindItem #SinetchItey #Chizmax #ChizmaxNiBean #BeanDZel #PROvinSKY ctto: #BethGelena #PinoyNewsChannel ♬ som original – Musicas Internacionais

“[Ni-repost] ni Sophie Albert. [C]onfirm[ed] na ata,” komento ng isa. 

“Why ni repost ni @Sophie Albert?” tanong naman ng isa. 

“Ako na pumunta sa IG ni Sophie Albert pero [mukhang] ok naman sila,” saad pa ng isang netizen. 

“Porket nirepost sya agad,” hirit pa ng isa. 

“Hoy bat naman ni repost ni mareng sophie,” dagdag pa ng isa. 

Sa ngayon ay kasalukuyang deleted na sa reposts tab ni Sophie ang nasabing blind item. 

Matatandaan na inanunsyo nina Sophie at Vin ang kanilang marriage sa isang Instagram post noong January 2023.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE