‘Kala ko ba walang lipatan ever?’: Janus del Prado shares cryptic post on Instagram

-

Umani ng iba’t ibang reactions mula sa mga netizens ang cryptic post na ibinahagi ng aktor na si Janus del Prado patungkol sa mga umano’y “lumipat ng station.”

“Yung mga bumatikos sa mga lumipat dati, naglipatan na din ngayon lol. Kala ko ba hindi loyal ang mga lumilipat? #hypocrites,” sey nito sa kanyang Instagram post.

“Kala ko ba walang lipatan ever?” dagdag pa nito.

Sa post ng aktor, sinabi pa nito na huwag umanong magsalita nang tapos.

“Edit para sa mga G [na] G. At the end of the day lumipat pa din sila ng Station. Kinailangan pa rin nila yung tulong ng Station ng mga artista na binabash nila dati (lalo na yung mga lumipat) para magkaroon ng mas malaking platform. Lesson. Wag magsalita ng tapos. Bilog ang mundo,” pagpapatuloy pa niya.

Bagama’t hindi nagbanggit ng anumang pangalan ang aktor, samo’t saring komento naman ang iniwan ng mga netizens sa nasabing post. 

“Anumang meron sa It’s Showtime at sa GMA, walang lipatang nangyayari. Under pa rin ng ABS-CBN ang programa, nakikipagpartner lang sa GMA. Sino ba sa mga host ang lumipat?” komento ng isa.

“Di ko sure tinutukoy mo pero kung IS hosts nga pinatatamaan mo, eh parang di mag aapply tong pasaring mo sa kanila. Wala namn [kasing] lipatang nangyari [kasi] wala namang host sa IS ang pumirma ng kontrata under GMA or any GMA artists agency,” sey pa ng isang netizen.

Matatandaan na nitong April 6 lamang ay nagsimula nang umere ang It’s Showtime sa GMA Network. 

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE