“Si Maris, hindi niya na makuha yung natural niyang mukha kasi kinikilig.” Ganito idinescribe ng aktor na si Anthony Jennings ang kanyang ‘Can’t Buy Me Love’ co-actor na si Maris Racal.
Sa latest vlog ng TV host na si Luis Manzano ay natanong nito sina Anthony at Maris tungkol sa kanilang favorite scene sa nasabing series.
‘SI MARIS, HINDI NIYA NA MAKUHA YUNG NATURAL NIYANG MUKHA KASI KINIKILIG’ ?
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) March 19, 2024
Iyan ang ikinuwento ng aktor na si Anthony Jennings patungkol sa aktres na si Maris Racal, sa vlog ng TV host na si Luis Manzano.
Sa naturang vlog, natanong ni Luis sina Maris at Anthony patungkol pic.twitter.com/8RRpdYeRoq
“Actually yung truck scene. Yung eskinita,” sagot ni Maris nang tanungin tungkol sa kanyang favorite scene.
“Kasi yun yung first na ano namin eh, first na tinake namin na kinikilig talaga kami,” dagdag ni Anthony.
Kwento ng aktor, nakarami umano sila ng take sa nasabing eksena.
SNORENE ANO NA I AM DYING OVER HERE ?
— Netflix Philippines (@Netflix_PH) March 1, 2024
#AnthonyJennings #MarisRacal #Snorene #CantBuyMeLove #CBML #CBMLonNetflixEp101 #Netflix pic.twitter.com/f7gy1tE266
“Actually maraming take yun. Merong mga eksena dun na ano eh, si Maris, hindi niya na makuha yung natural niyang mukha kasi kinikilig,” pahayag ni Anthony.
“Tapos sasabihin ni Direk, ‘Oh cut! Maris, ‘wag mo muna ibigay.’ ‘Sorry Direk, kinikilig talaga ko,’” dagdag pa ni Maris.
Matatandaan na gumaganap si Maris bilang si Irene, habang si Anthony naman bilang si Snoop sa naturang series. Kilala rin ang kanilang tambalan bilang “SnoRene.”
On what’s next for ‘SnoRene’
Samantala, sinabi naman ni Maris na marami pa umanong dapat na abangan sa pagpapatuloy ng kwento ng kanilang mga characters ni Anthony.
“Pumasok na si Jake Ejercito… may love triangle na kami. So ang dilemma, or ang challenge kay Irene ay i-deny nang sobra yung feelings niya towards Snoop,” saad ni Maris sa naturang vlog.
"I'm not old-fashioned anyway. Let's skip that part, tayo na." ?
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) March 20, 2024
(YouTube/Netflix Philippines) pic.twitter.com/NlB8pt1vtM
Matatandaan na kamakailan lamang ay ipinakilala na si Jake bilang si Aldrich Co sa naturang serye.
Kasabay naman nito, tila may kwelang message naman si Anthony sa aktor na si Jake.
“Alam kong parehas tayong mestizo pero ‘wag ka na umasa, mas maputi ka lang sakin,” biro ng aktor.