Jennica Garcia pokes fun at her outfits: ‘Ang dami ko palang ka-uri’

-

Kumalap ng iba’t ibang hirit mula sa mga netizens ang photo na ini-upload ng aktres na si Jennica Garcia. 

Sa Instagram post ng aktres, makikita ang iba’t ibang mga ka-terno umano ng kanyang mga outfits. Kabilang sa mga ito ay ang ka-pareha na table cloth ng kanyang red dress. 

“Ang dami ko pala talagang ka-uri. Dati carpet at vase lang. Ngayon pati table cloth, tupperware at plato na. Ayoko na bes!” biro ni Jennica.

Bago pa ito, nauna nang nag-upload si Jennica ng photo ng vase na umano’y ka-terno rin ng blue dress na kanyang sinuot nang maging Star Patroller sa TV patrol.

“Pwedeng Magic Carpet, pwede rin Vase… pero wala pa rin nagma-mine,” biro niya sa kanyang post.

Kanya-kanya namang komento ang mga netizens sa post ni Jennica, kabilang na ang TV personality na si Melai Francisco. 

“Hahahahhaahahhaha akala [mo] carpet ka partner isa ka palang vase,” sey ni Melai.

“Sakto yung shade ng red, ternong terno,” biro pa ng isa. 

Samantala, marami mang ka-terno sa kanyang mga outfits ay umani naman ng papuri mula sa mga netizens si Jennica.

“Whatever she wears, it doesn’t matter. She is a very good actress filled with humility. And that’s why she is being admired and loved by many. May you continue to shine!” komento ng isa.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE