Netizen’s funny proposal goes viral on social media

-

Kumalap ng iba’t ibang hirit sa social media ang video na ini-upload ng netizen na si Lusset Zafra kung saan makikita ang kwelang moment sa proposal ng kanyang partner na si Jherico Perez.

Sa isang exlusive interview sa Pilipino Star Ngayon Digital, shinare ni Lusset na accidentally niya umanong nakita ang singsing na inihanda ng kanyang partner. 

“[Nung] January 5, hinahanap ko yung pabango ko, pero accidentally, ‘yung box ng singsing yung nahalungkat ko. Nasa glove box ng kotse. Nakabalot ng brown paper bag. Nagpanic ako and sinara ko agad,” kwento niya.

Dahil dito, agad niya umanong ikinuwento sa kanyang friend na si Isay ang kanyang nakita.

“Then, chinat ko ‘yung friend kong si Isay, sabi ko, something like, ‘Girl may nakita akong singsing, once ka lang [pwede] mag-react para ma-unsent ko to.’ Sabi lang sakin na friend [ko], ‘OMG magpalinis ka na ng nails.’ Then ayon kada labas namin kinakabahan ako if yun na ba yun,” pagpapatuloy niya.

“Then a few weeks later, nag-plan kami mag-dagat, ako pa namili kung saan. Mahilig talaga kami mag-beach, it’s our way to unwind. So feeling ko yun na yun, kaya I chose the beautiful island of Cagbalete in Quezon Province,” wika niya.

Dito ay nag-propose na umano ang kanyang partner. Ayon kay Lusset, aminado siya na ikinagulat niya ang proposal ni Jherico.

“[Nung] February 3, unang day namin, kinahapunan, during golden hour, lumuhod na siya. Na-shookt pa rin ako kaya wala ko masabi at first,” saad niya.

“Tapos akala pala ng partner ko nagpapanggap ako na shocked kaya sabi nya ‘What the hell what the hell ka pa dyan.’ Yun pala, alam niyang alam ko [na magpo-propose siya]. Sinabi nung friend namin. Yung friend pala na yun is kasabwat niya bumili nung ring,” dagdag niya. 

“Then ayun po, I said yes,” wika pa nito. 

Nag-iwan naman ng iba’t ibang comments ang mga netizens sa naturang video. 

“What a cute proposal,” sey ng isa.

“At least may thrill pa din kasi wala ideya yung girl kung kelan. Paminsan-minsan, ayos din yung may pagkaromcom ang proposal. Congratulations po!” komento pa ng isa.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE